Ang sarap maghapunan kapag buo ang pamilya minsan lang talaga kami makakain ng kumpleto kami kase lagi nasa trabaho ang asawa ko,kapag pang umaga siya,5:30am naalis na sya at ang dating naman nya mga 9pm na kaya minsan nakakain na talaga kami,Kapag naman panggabi sya nadating sya ng 8:30am at nagigising ng mga 3:30,at alis na sya ng 5:00 kaya gabi kami nalang anak ko dito sa bahay...lagi nalang kase busy sa trabaho,Madami pa kaming kailangan bunuin para makaipon kaya hindi pa kami pwedeng magparelax relax sa buhay...Ang buhay nating hindi nabiyayaan ng marangyang buhay ay parang pagluto ng paborito mong pagkain kailangan mong timplahin mabuti,pag aralan mabuti para kapag naluto ito napakasarap ng kakalabasan ,parang sa buhay natin talaga kailangan mong pagdaanan lahat para umani tayo ng masarap balang araw..Basta Huwag susuko at maging matiyaga sa lahat ng panahon,Para pagdating ng panahon makakatikim din tayo pinakamasarap na luto ng ating buhay⭐💖🏘️🙏🏻
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet