read.cash Log in
@Dani87 more from that month

Ako Yung tao na matapang pero Nasa lugar,Hindi ko alintana kung May sabihin sila sa likod ko,basta tama lang ang sasabihin nila patungkol sa akin,Hindi ko alintana ang binibigay ko,Kaligayahan ko ito,Pero Wag lamang akong aabusuhin,,Wag mong isumbat ang itinulong mo sa akin dahil siguradong lahat ng naitulong ko ay bilang ko din,Ngunit pagpasensyahan Nyo ako Kung minsan Sa bugso ng akong damdaming Nakakapagsalita na ako ng masakit...Kapag sobrang sama ng loob ko alam kong wala naman akong ginawang mali sobra akong naiiyak habang sinasabi ang lahat ng saloobin ko😭😢..Wala akong kakampi,Wala akong gaanong masabihan ng aking Problema,Nagmula sa Broken family💔 At wala halos mapagmamalaki sa aking nanay pero siya pa din ang nagbigay ng buhay at nag alaga sa akin,Ang papa ko nag asawa na ng iba ,Maganda ang naging buhay,Salamat sa kanya noon nung maliliit kami naging responsable siya,Mga kapatid ko ay puros lalake,Wala akong masabihan sa knila ng problema,Ang isang kapatid ko ay may samaan pa kami ng loob,Sa kadahilanang halos d kana ginagalang ngunit ako ang panganay,Sabik Talaga ako sa maayos na pamilya,Kaya ngayong may sarili akong pamilya,Sobrang saya ko Pinapahalagahan ko sila,Iniintindi ang kahinaan lalo na ang aking katuwang,Maswerte pa din ako kahit papaano may asawa akong hindi nagpapabaya sa amin At mahal na mahal ang anak ko at ako,Minsan may hindi pagkakaintindihan pero sa tulong ng pag uusap at pagmamahalan nangingibabaw pa din ito at mas pinipili pa din namin ang manatiling buo dahil may sinumpaan kami..💒👰👨‍👩‍👧Ang pangarap ko lang ay simple magkaroon ng maayos na pamilya at ang kapanatagan sa buhay namin na balang araw matupad namin simpleng buhay na aming inaasam asam kasama ang nabuo kong pamilya🏠🏡🚘 Source of image in google https://images.app.goo.gl/jByYMURwH6GjC1rQ9

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.