read.cash Log in
@Dani87 more from that month

Mga batang 90's naalala nyo pa ba yung time na cassete recording at sulat pa ang paraan naten para makapagbigay ng mensahe sa ating mga kamag anak kapamilya abroad,Naalala ko pa yun at naabutan ko pa nung kami'y maliliit pa ng kapatid kong sumunod sa akin year 1989 sya pinangank ako nman 87,Kaya abot na abot namin ang panahon na kailangan mo pang maghintay ng ilang linggo o bwan bago matanggap at masagot ang iyong mensahe,nagrerecord kmi ng aming audio recording ,kumakanta din kami doon ipapadala namin sa papa ko na nasa abroad gayundin ang akin papa na nasa saudi noon,Naiisip naman namin na natatanggap nya ang sulat at recording namin minsan lang yung recording kase may kamahalan kapag medyo may bigat ang ipapadala mo,alam namin kase sinasagot nya ang aming liham at ipinababasa ng mama ko samin ang sulat minsan paulit ulit ko pa kung basahin,tapos magpapapackage siya kaya alam naming natatanggap nya kase yung mga binilin namin nasa loob ng drum na puno ng mga bagay na gusto namin..minsan pa kapag kulang may sulat kasama ang papa ko kalakip ng package kung bakit kulang o iba ang kanyang pinadala...Napakasimple ng buhay noon kahit mano mano ang lahat,nakakapag antay pa din,kaya Ngayon iba na lahat hi tech pero sana wag pa din naten kalimutan na kung ano man ang nagbago ngayon meron pa ring noon na nakatatak at mananatiling bahagi na ng ating buhay nakaraan... #FactsAndTrivia

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.