read.cash Log in
@Damaso more from that month

ANG BANGKERO AT ANG PROFESSOR Merong isang professor gustong magpa hatid sa bangkero sa kabilang side ng isla. Sabi ng professor: Mr bangkero! Dalhin mo nga ako sa kabilang side ng isla! Yes sir! Sagot ng bangkero: At habang nasagwan ang bangkero nagtanong ang professor. Professor: Mr bangkero magaling ka ba sa english? Bangkero: Naku sir hindi po kasi grade 3 lang po ang natapos ko. Professor: Ah ganun ba? Alam mo ba na 1/4 ng buhay mo ang mawawala dahil dyan? Napabulong nalang ang bangkero, grabe naman to! di lang ako magaling sa ingles 1/4 na agad ng buhay ko ang mawawala? Nagtanong ulit ang professor… Professor: Mr bangkero magaling kaba sa math? Bangkero: Naku sir hindi rin po mahina po ako dyan. Professor: Ah ganun ba? So mawawala na ulit ang 1/4 ng buhay mo. Bangkero: Ilan na yun sir? ( kalahati na ng buhay mo ang mawawala. sagot ng prof. ) grabe naman! kalahati na ng buhay ko ang mawawala? Nagtanong ulit ang professor… Professor: Mr bangkero magaling ka ba sa science? Bangkero: Naku sir lalong hindi rin po, mahina po ako dyan. Professor: Ah ganun ba? So 1/4 na ulit ang mawawala sa buhay mo. Bangkero: Tatlong 1/4 na ang mawawala sa buhay ko sir? Ilan nlang ang natira sir? ( 1/4 nalang sagot ng prof ) isang tanong nalang ubos na buhay ko sir? At habang sumasagwan ang bangkero sa kalagitnaan ng isla, ay sobrang kabado na sya. Baka magtanong ulit si professor. At baka ang itanong ulit sa kanya ay subject sa school, sigurado mauubos na ang buhay nya. Kaya ang ginawa nya ay binilisan nya ang pagsagwan para makarating na agad sa kabilang side ng isla para hindi na makapagtanong ang professor, Sa sobrang bilis nya, tumaob ang bangka! At pagkataob na pagkataob ng bangka, nagsisigaw ang professor ng..... HELP! HELP! HELP! At ang bangkero naman ay pa floating floating lang tapos nag back stroke pa habang naglalangoy. Ang bangkero naman ang nagtanong sa professor. Bangkero: Sir. Professor, marunong ka bang lumangoy? Professor: HINDI! HINDI! Tulungan mo ako baka malunod ako. Bangkero: Sir! professor gamitin mo ang ingles, math, at science para maligtas ka, kc ako 1/4 nlang ang natitira sa buhay ko sabi mo. Tawa naman kahit kaunti he!he!he! I hope na inspire ka at may natutunan. i will respect kong ano ang profession mo. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon magagamit mo ang profession mo. Mensan kailangan nating mag humble down, dahil baka ang kausap natin ay may alam na hindi natin alam. Ipakita natin na makakatulong tayo sa kanya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.