PAGOD AKO KAKAHINTAY Di ko mawari kung bakit hanggang ngayon wala kapa Nilakbay mo ba ang langit kaya't nahirapan ka ng makababa? Oh siguro may galos kang iniinda dahil baka ika'y nadapa Pero yung pangako mo sa tamang oras ay nakalagpas kana Ang sabi moy darating ka sa takdang oras sa dating tagpuan Sa may puno ng mangga kung saan tayo'y nagsumpaan Sa tagal ay malapit ng maubos ang tinta maging ang aking sulatan Nasa'n na nga ba yung taong saki'y nangakong walang hanggan Sa gabi'y pilit akong tinatanong ng isang katanungan saking isipan Kung ano nga ba talaga ang dahilan ng iyong paglisan Kung bakit nong gabi'y biglang nagbago ang ihip ng hangin patungong silangan Kung bakit ika'y tinangay nito kasalungat ng tinatahak kong daan Akoy naririto nangangawit na sa kahihintay sa di alam kung darating Namumugtong mga mata'y pilit iminumuklat nagbabakasaling masilayan ka rin Di alintana ang pangungulilang tanging ikaw ang gamot saking dinadaing Walang balak na sumuko kahit di sigurado kung may babalik pa saking piling Pero lahat ng yan ay nagawa kong kayanin at akin ngang nakayanan Pero sa tinagaltagal ng aking paghihintay ika'y diko parin nasilayan Hanggang sa dumating ang diko inaasahan na aking nabalitaan Na ang matagal ko nang hinihintay ay may inuuwian na palang ibang tahanan Sa huliy napagtanto kong nakakapagod rin pala Pinang hinaan ng loob dahil buong akala ko'y magbabalik kapa Kayat hinihiling kong itoy panaginip lang at bukas akoy magigising na Pero mahirap kalabanin ang katotohanang pinaglaanan ko ng oras sa mahabang panahong paghihintay sayo aking sinta. #Poetry
No comments yet