read.cash Log in
@Cycochan more from that month

"Bakit ako susuko? Eh kasama ko naman ang Diyos." Kailan ma'y di nya tayo sinukuan O pinabayaan Kabutihan niya'y walang kapantay Kaya karapat dapat lang Na siya'y Purihin at pasalamatan. Ka'y dami dami ng pagsubok ang dumating Ngunit ang ating Panginoon ay na nanatiling kasama natin. Kasama natin sa lahat ng pagsubok Kaya kahit gaano pa kalaki ang pagsubok na darating mag tiwala parin tayo sa Diyos na siyang nag Likha satin. Lumaban ka! Dahil ang Diyos na Ama nating lahat ay nagsasabi sa Exodo 14 versikulo 14 na "Ipagtatangol ka ni yahweh, pumanatag lamang kayu." Di ka niya pababayaan sa lahat ng Laban Dahil nangako siya na hindi ka niya iiwan. (Hebrews 13:5) Maniwala ka! Dahil kung wala siya malamang wala kana. Mag pakatatag ka! Dahil siya lang ang makapagbibigay ng Lakas sayo upang ikaw ay maging matatag. Mag tiwala ka! Dahil kailan ma'y di ka niya pinabayaan Kailan ma'y di ka niya iniwan Kailan ma'y di ka niya sinukuan Papahalagahan ka ng Diyos kung papahalagahan mo rin siya! Oonahin ka ng Diyos kung oonahin mo rin siya! Ipapriority ka niya kung ipapriority mo rin siya! Sundin mo lang siya Tiyak na maganda ang iyung patutunguhan Mag pakatatag ka, Mag tiwala ka, Maniwala ka, Pagka't Mahal ka niya. Nuway Pagpalain ka.😽 All The Glory Belongs to God.☝

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.