read.cash Log in
@Cycochan more from that month

"Bahala na sa mga bagay-bagay, Mas mahalaga ang buhay ni itay" Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi kita iiwan papa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko. Natatandaan mo ba nong ako ay bata? Lahat nang luho, kahit di ko hiningi ay binigay mo ng kusa Lahat nang binigay mo mula sa"king pagkabata hanggang pagtanda Hindi mo ipinagkait sakin kahit walang laman ang 'yong bulsa. Kaya papa kung ano man ang nais mong hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na maghirap at magdilim ang aking paningin, Para sakin hindi ka magiging mabigat o pasanin. Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa papa Handa akong mamatay sa isang tabi Hinding hindi kita iiwanan ano man ang manyari. Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas kahit man ang buhay mo'y malagas Sasamahan kita hanggang wakas Isipin man na ako ay papas boy Isipin man lahat ng tao na ako'y badoy Wala akong pakialam sa sasabihin nila Ang importante ang buhay nating dalawa. Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto ng ibang tao Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo Nagdadalawang isip ka pa ba papa? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, kaya wag kang mawawala Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula. #Poetry

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.