read.cash Log in
@Crystalroms

Kakauwi ko lang galing sa isang mall. Nagikot-ikot lang pampalipas ng oras at nag-canvass na rin ng mga gamit sa bahay, may konti rin namang nabili gaya ng mga gamit sa kusina at konting grocery na rin. Pauwi na ko nakita ko tong mga christmas lantern sa labas ng mall grabe ang gaganda di ba? Ngayon lang kasi ako ulit nakapunta dito sa mall na 'to the last time na punta ko wala pa yan, kaya nung nakita ko yan tuwang-tuwa ako at bigla kong naalala "ay oo nga malapit na ang christmas". Ito ang matindi, tumindig ang balahibo ko nung nagpatugtog ng christmas songs ang sarap pakinggan. Di ba kasi kapag nasa bahay ka lang hindi mo masyadong ramdam na malapit na pala ang pasko? O kaya parang, "wala lang, e ano naman". Siguro it's a sign na rin na dapat mag-save na ng pera para kahit papano may pang regalo sa mga inaanak at para sa pamilya. May christmas decorations na ba kayo sa bahay? O kahit christmas light lang? Kami kasi wala pa.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.