Mahirap ba maging isang OFW? Mahirap in a sense na malayo ako sa pamilya ko. Minsan nakaka iyak na sa mga pagkakataon na minsan kailangan ako ng mga anak ko sa mga activities nila na dapat may father na kasama ngunit wala ako sa tabi. Sakripisyo talaga lalo na sa panahon na may magkkasakit at wala ako para alagaan sila. Hindi madali ang pagiging isang OFW. Ngunit iisipin din natin na ang sakripisyo at hirap ay may katumbas din na saya at ligaya. Sa pagiging OFW ko nakakaraos sila sa araw araw na buhay. Kahulit papano nabibili nila ang mga bagay na noon ay imposibleng makamtan. Nakakapag aral ng hindi nahihirapan dahil naibibigay ang mga kakailanganin sa pag aaral nila. Ang pagtatrabaho sa ibayong bansa ay kailangan lang ng determinasyon. Isipinl nalang natin na lumayo tayo sa pamilya para din sa kanilang kapakanan at mabigayan sila ng magandang kinabukasan. Have a nice day to all. #NoiseCash
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet