KAPALARAN NG BUHAY Kasabay sa paglubog ng araw ay naiwan ang bakas ng isang araw na nagdaan. Isang araw na puno ng pakikipagsapalaran upang maitawid ang nararandalan na kalam ng sikmura. Hindi alintana ang mga pangamba na maaring mahawaan ng sakit na sa ngayon ay kumakalat ng hindi natin nalalaman kung san nagmumula. Ngunit dahil sa tawag ng responsibilidad ay kailangang gampanan. Ang mahalaga ay naging tagumpay at sa awa ng Panginoon ay naging produktibo ang isang araw na lumipas. Bukas , isa na namang araw ang sana ay maipagkaloob sa atin. At ang palaging dasal ay ang manatiling malakas ang katawan at malayo sa anumang kapahamakan. Huwag lang tayong makalimot sa Kanya, dahil Sya ang sandigan at buhay nating lahat. image source: https://unsplash.com/photos/V2cBnGGxuag
No comments yet