read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Minsan sa buhay ang pagsubok ay dumarating Mga pagsubok na kay bigat na halos ang tenga natin ay magpanting Na aabot sa puntong halos di mo na alam kung kanino ka dadaing At para makapag isip halos iuntog pa ang ulo sa dingding Marami sa atin nag nakakaranas ng ganitong kapalaran Akala natin sya ay masaya yun pala may nakatagong kalungkutan Ganyan tayong mga tao ayaw natin ipa alam sa iba na tayo ay nahihirapan Mas maigi pa kasing solohin nalang at lutasin sa sariling pamamaraan Kung sabagay sa panahon ngayon halos lahat ay naghihikahos Gagawin nalang ang lahat para makakain at mabuhay kahit mamalimos Dahil nga sa hindi natin inaasahang pagdating ng kakaibang unos At halos lahat nga mga naipon at naipundar ay nagamit na at naubos Laban lang tayo ngayon sa panahon ng pagsubok at kahirapan Matatapos din ang lahat at sa ang kapalit nito ay tagumpay at kasaganaan Di ba bilog ang mundo at hindi humihinto sa pag ikot kailan man? Ganyan ang buhay natin kung ngayon ay naghihirap bukas panalo ay makakamtan #KATHANGISIPLAMANG

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.