Hindi po ako mayaman ,porke ba ako ay isang OFW? Hahaha!! May mga tao talaga na namamali ang paniniwala sa katauhan ng isang OFW. May mga kamag anak din tayo o kaibigan na minsan ay magugulat nalang tayo dahil nagparamdam sa hinaba haba ng panahon. Kahit sa baranggay namin ay hindi kasama ang pamilya ko sa bibigyan ng ayuda kasi daw ako ay isang OFW. WHAT?? Ano ba pagkaka iba ng isang OfW sa kapwa Pilipino na hindi OFW? Mas kami nga nag nagsasakripisyo dahil namumuhay ng mag isa dito sa ibang bansa at malayo sa pamilya. Kunting initindi naman po sa katayuan namin sa buhay. At hindi po ako magtitiis dito na malayo sa pamilya kung ako po ay mayaman na. Sa mga ganitong pagkakataon ipapasa Dyos nalang natin dahil iba iba nag kaisipan ng bawat tao. At ang nagkakaintindihan ay tayo lamang na nakaka alam kung ano nga ba ang katauhan ng isang OFW. Magandang araw po sa lahat.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet