Pagbangon Pagkatapos Ng Unos Minsan dumarating ang hindi inaasahang pagkakataon Ang pakikipagbuno sa hagupit ng kalikasan at panahon Ang pagbuhos ng malakas na ulan at bagsak ng mala higanteng alon At kasabay ng bayo ng hangin na akala mo ay may sumabog na bomba ng hapon Ganyan ang kwento ng pamilya ko sa pagkalipas ng bagyo Mga iyak at panangis na lamang ang maririnig ko Dahil sa nawasak na kabuhayan at hindi alam kung papano muling maipatayo Masaklap na pangyayaring walang may batid kahit sino Babangon muli at magsimula na parang walang nangyari Ganyan ang sinabi ng maka usap ko ang aking kumpare Sa totoo lang naman walang may gusto sa mga pangyayari Kaya't ipagdasal nalang natin ang kanilang kaligtasan at pabangong muli #AngPagbangon
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet