Para Sa Mga Minamahal Handang tiisin ang pagod at hirap sa bawat araw na lumilipas Kayang labanan ang kalungkutan at pananabik na wagas Sa kagustuhan na ang buhay na nasa ibaba ay maitaas Ganyan ang ating layunin kung bakit tayo sa sariling bayan ay lumabas Kayang kaya natin ang mga pagsubok at magsakripisyo Ganyan talaga ang mabuhay dito sa mundo Walang madali sa lalo na sa mga panahong ito Ang matupad ang mga pangarap dyan lang tayo sisentro Walang imposible sa gabay ng ating Panginoon Dyan lng ako sumasandal sa lahat ng oras at panahon Sa Kanya ako nakiki usap at humihingi ng mga opinyon Sya ang Ama , kaya umasa tayo na kahirapan ay hindi tayo mababaon. Magandang araw po sa lahat.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet