read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Ang responsibilidad ng isang ama ay hindi lamang sa pagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Kina kailangan din na alamin natin o kumustahin ang ang kalagayan ng ating mga anak lalo na sa pag aaral. Sa kalagayan ko bilang isang OFW na malayo sa pamilya ay hindi naging hadlang upang mapabayaan ko ang aking mga anak. Sa tamang pag laan ng oras o time management ay ay napapanatili ko ang aking pagsubaybay sa dalwang kong anak maski ako ay malayo. Sa panahon ngayon, napaka halagang bagay ang internet connection na mayroon sa bawat bagay natin. Sabi ng nila "malayo man daw ay malapit pa rin". Masaya ako at maski napakalayo ko ay naging bahagi pa din ako sa pag gawa ng kanilang module activities. Nakakawala ng homesick para sa katulad kong ilang taon na ding hindi nakapag bakasyon sa dahilan ng pandemya. Ang pagiging malayo sa bawat isa ay hindi dahilan upang mawalan tayo ng oras sa pamilya natin. Bigyan natin sila ng oras at panahon dahil sila ng dahilan kung bakit tayo napalayo. Lagi nating isipin na ang pamilya ay ang nagbibigay sa atin ng inspirasyon para lalo tayong magsikap at magsipag para sa pag angat ng ating buhay. #BUHAYOFW #NoiseCash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.