read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Ang Murang Pangarap Araw araw, bawat umaga sa buhay ko bilang isang OFW ay walang palya na kausapin ko ang aking asawa at mga anak. Hindi kami nawawalan ng masasayang pag uusapan. Siyam na taon gulang ang bunso kong babae. Kasalukuyang nasa ika apat na baitang sa pampublikong paaralan. At sa murang edad nya maraming mga pangarap at mithiin sa buhay. Gusto daw nyang maging doctor. Hindi basta bastang propesyon at kakailanganin ng limpak na salapi upang matupad ito. At bilang tugon sa pangarap ng munti kong prinsesa ay sinasagot ko ito ng positibo." Gagawan natin ng paraan na maging doctor ka anak" ang aking sambitin. Hindi man natin alam kung ano ang magiging kapalaran natin sa bandang huli ay maging positibo lang tayo. Bigyan natin ng diin at inspirasyon ang mga pangarap ng mga anak natin. Dahil sa kanilang mga munting pangarap ay dyan din tayo kumukuha ng inspirasyon at lakas ng loob upang matupad natin ito. #BUHAYOFW

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.