read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

#BUHAYOFW Masaya na malungkot ganyan ang buhay ng nagtatrabaho sa ibang bansa. Masaya dahil sa mas malaki ang sweldo kung ikukumpara sa rate ng sahuran sa Pilipinas. Maliban pa dyan ay nkukuha ang sweldo ng buo at walang kaltas na buwis hindi tulad dyan sa Pilipinas na ultimo overtime pay ay may tax. Ngunit kung may saya ay kalungkutan din na nadadarama. Sa dahilan na malayo sa pamilya at mga mahal sa buhay. Kung gustuhin mang umuwi ay hindi kaagad magagawa dahil kina kailangan pa ang pahintulot ng kumpanya upang maka bakasyon. Sa bawat buhay ay balanse lang talaga ang bawat pagkakataon. Ganun pa man nasa sarili na natin ang pagdadala sa bawat sitwasyon. Pag aralan natin na tanggapin na ang buhay ay palaging may pagsubok na dapat nating malampasan. At asahan natin na sa bawat pagsubok na malampasan ay may naghihintay na pabuya para sa ikakaunlad ng ating buhay. Mag iingat po tayo at ang bendisyon ng Panginoon ay mapa sa ating lahat.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.