read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Paano ako nag simula bilang isang OFW? Dati rin akong empleyado sa isang kumpanya sa Pilipinas. Minimum wage earner lang ako kaya medyo hindi na gaanong nagkasya mula ng nag asawa at nagka anak. Ni hindi ko naisip magtrabaho abroad noon dahil sa alinlangan at mahirap ipaliwanag na mga dahilan. At sa dahil kulang ang kinikita, nag research sa internet at napadpad sa websiite ng workabroad.ph. At dito nag simula ang lahat na pag tupad ng aking mga pangarap para sa aking pamilya. Basta pursigido tayo sa isang bagay gagawa at gagawa tayo ng paraan upang ito ay ating makamtan. Nawala lahat sa isip ko ang alinlangan at agam agam. Napalitan inspirasyon at pagpursige kapag nakikita ko na ang aking mga anak sa kanilang hhrapin na buhay. Palaging nasa isip ang kanilang kinabukasan na sa aking pagtanda ay hindi sil mahihirapan. Mahirap ang maging isang OFW. Ngunit palaging isaisip ang kinabukasan at hindi ang hirap ng trabaho. Gawin itong inspirasyon upang lalong tumatag ang isip at kalooban habang malayo sa pamilya. Surviving in this world is not easy but with God, everything is light like feather..

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.