read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Napapangiti ka habang iyong tinititigan Ang iyong gadget o monitor sa iyong harapan Dahil ang halaga ng crypto sa merkado ay kulay luntian Handa ka na bang ang iyong inipon ay bitawan? Mag isip isip kunting pigil at huwag padalos dalos Sa tingin mo ba ito na nga ang tamang panahon upang i ubos? Ang mga crypto o token na iyong inipon ng pa senti sentimos? Dapat paniguradong galawan para walang pagsisihan tayo mga Boss. Umpisa lamang iyan ng kanilang pag angat May darating pang mas mataas na i aakyat Mag abang abang lang muna tayo at huwag malingat Huwag padalos dalos at kailangan ibayong ingat Ang galaw ng crypto ay parang tubig sa karagatan Kung low tide ay babalik muna saglit sa kalaliman At kung high tide ay gagapang pa angat tungo sa dalampasigan At iyan ang ating dapat na bantayan at aabangan Napatula tuloy ako sa halaga ngayon ng mga crypto hahaha! Magandang gabi po,. #HAPPYTRADING #NoiseCash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.