Araw gabi bawat oras lalong tumitindi ang mga balita. Trending sa social media halos pinag uusapan puro nalang para sa halalan. Kanya kanyang kuro kuro, bawat tao may sentimyento tungkol sa pulitikong kanyang sinusuportahan. Ngunit may mga tanong palagi sa aking isipan. Sigurado ba tayong sa bawat binitawang salita ng pulitiko na iyan ay kanyang tutuparin? O di kaya kapag sa kampanya lamang siya ay magaling? Sa ngayon pa lamang atin na itong pag isipan. Ihalal lamang ang taong makapag serbisyo ng husto sa bayan. Ang taong hindi sakim at sa kapangyarihan ay gahaman. Iluklok sa pwesto ang may pusong matulungin at sa mahihirap ay tumitingin. Ganyan dapat ang mamumuno na ating pipiliin. Minsan lamang sa bawat anim na taon natin ito mararanasan. Kaya ang isang boto natin dapat sigurado para hindi masayang. God bless us all.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet