Hello noise.cash family at sa mga kapwa ko OFW. At nabuo na naman po ang isang linggo sa buhay ng inyong lingkod bilang isang OFW. Kapag araw ng huwebes ay aligaga ako sa aking mga labahin. Kailangan ko na malabhan na agad para bukas byernes tutok na naman ako sa aking asawa at mga anak na nasa Pilipinas. Hindi biro ang buhay ng isaNg OFW. Dahil pagkatapos ng trabaho sa field ay sarili ko naman ang aasikasuhin. Labada at luto ng pagkain kayang kaya na pagsabayin. Kailangan pagtiisan para sa pamilya na sa akin ay uma asa . Walang dapat ipangamba basta ang bawat galaw at desisyon ay kasama ang Panginoon. Laban lang tayo sa buhay at huwag susuko. Darating ang araw na ang pagtitiis at sakripisyo ay mapapalitan ng saya at tagumpay. Magandang gabi po sa ating lahat. God bless us all.
2 comments
Ok lng po yan kaya nyo yan para sa pamilya gagawin talaga natin ANG lahat
tama po, dapat kakayanin talaga,salamat po