read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Isang araw na naman ang lumipas sa buhay ko bilang isang OFW. Araw ng byernes dito sa gitnang silangan ay isang banal na araw. Ang katumbas na araw nito sa Pilipinas ay ang araw ng linggo. Kapag araw ng byernes ay isang mahalagang araw para sa akin. Dahil sa araw na ito nakasama ko ang aking pamilya "virtually" thru video calling. Isang araw po iyan na kahit sa pagkain ko ay nkikita nila ako at ganun din sila para sa akin. Natututuruan ko ang aking mga anak sa module system nila sa school sa abot ng aking kaalaman. Masaya ako despite the fact na more than 3 years ko na silang di nakakasama, technology make it happens na malapit pa din kami sa isat isa. Gabi na sa Pinas, hapon na din dito. Tulog na sila at maghahapunan naman na ako. Ganyan lang ang buhay OFW, sanayan nalang iyan para sa pangarap na magaan at maunlad na buhay. Magandang gabi po sa ting lahat.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.