Lahat tayo ay may kanya kanyang layunin sa buhay. May mga pangarap na gusto nating maabot bgo man tayo tumanda at sa lupa ay lumisan. Mga ambisyon na minsan nakikita lamang natin sa ibang tao ngunit ninanais din na makamtan. Mga bagay na imposibleng mapasakamay ngaunit pinagsisikapang maangkin. Tama po kayo, paano ko ba naman makakamtan ang lahat kung ako ay isang hamak na mahirap lamang. Upang makamtan ang mga pangarap ay hindi sukatan ang pagiging mahirap. Ito ay dumidepende sa ating sariling determinasyon. Lahat ay nakasalalay kung papano natin gamitin ang ating kakayahan at upang mkamtan ang ating mga mithiin. Kaya habang may pagkakataon gawin natin ng lahat na makakaya. Hindi natin kasalanan ang maisilang ng mahirap. Magiging kasalanan natin kung tayo ay tatanda na mahirap pa din at walang narating sa buhay. Sipag at tyaga, haba ng pasensya at diskarte sa buhay. Ito ang mga aspeto ng mga matagumpay na TAO. #SIPAGat TYAGA # PARASABUHAYNAMAUNLAD Image source: https://unsplash.com/photos/cqNgo3sQ_24 #RandomThoughts
No comments yet