read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

Good fellow noisers at sa lahat ng mg OfW sa sulok ng mundo. Sakripksyo..ito ang pinaka matatag na sandigan ng isang OFW. Pilit nating tinitiis ang hirap at pagod na nararamdaman para sa kaligayahan ng pamilya. Ang pananabik na sa araw araw nating naiibsan lanang sa oras na makita natin silang kausap virtually lamang. Ganyan katatag tayong mga OFW. Kapag nakikita natin ang ating pamilya na masaya ay mas higit pa ang kasayahan ang ating nararamdaman. Pananalig sa Dyos yan lamang ang ating pinang hahawakan. Sa lugar na wala tayong kakilala. Na sa unang lapag palang sa bansa ay hindi natin maiintindihan ang mga salita na ating naririnig. Ngunit sadyang nakapa galing ng Panginoon dahil nabigyan Nya tayo ng katalinuhan sa bawat araw na lumilipas ay hindi natin namamalayan naiintidihan natin ang kanilang sinasabi. Magsipag lang tayo mg kapwa OFW dahil sa huli ang lahat ng pag hihirap at pagsisikap ay may naghihintay na malking gantimpala. Ang katuparan ng tagumpay ng ating mga mahal sa buhay. God bless po at mag iingat po tayong lahat. --cryspycrypto--

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.