read.cash Log in
@CrispyCrypto more from that month

#SIPAGatTYAGA Kapag ang tao ay may tyaga, may nilaga At kapag masipag ka naman siguradong may panglaman sa bunganga Lumang kasabihan ngunit araw araw ito ay ating ginagawa Upang ang buhay ay umaangat pataas at hindi pababa Sabi nga nila, aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo? Kaya habang maaga pa ay gumalaw at maging maagap na tayo Huwag lang tumihaya at umasa sa ayuda mula sa ibang tao Dahil kung huli na ang lahat ay walang ibang masisisi kundi sarili mo Ang buhay sa dito sa mundo ay hindi lamang isang laro Na kung matalo ay okey lang at bukas ay may pag asa ding manalo Hindi dapat ganyan ang kaisipan ng bawat tao Dapat ang galaw ay sigurado at walang katalo talo, laging panalo. Sipag at tyaga lang ang ating paiiralin sa buhay Gamitin ang lakas at mga karunungang ating taglay At huwag din nating kalimutan ang Panginoon para humingi ng gabay Na tayo ay pagpalain at bantayan hanggang sa ating tagumpay.🙏 Magandang araw po sa ating lahat! #NoiseCash

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.