Kwentong OFW And pagtatrabaho sa ibang bansa ay isa sa mga paraan upang maibsan ang kahirapan sa buhay. Ito ang naiisip ko sa mga panahong hirap na akong pagkasyahin ang sweldo ko noong nasa sariling bayan pa ako nagtatrabaho. At gaya ng ina asahan at sa gabay ng Maykapal ay maswerteng nakapAsok sa isang magandang kumpanya. Ngunit sa likod ng lahat na masasabi nating nagkaroon na ng komportableng buhay ay may kapalit na sakripisyo. Ang mapalayo sa pamilya ay isang pinaka mahirap na pangyayari sa buhay bilang OFW. Sa loob ng dalawang taon na bubunuin sa kontrata ay makapag bakasyon at maka uwi sa pamilya sa loob lamang ng dalawang buwan o katumbas ng 60 na araw. Ngunit ganun pa man sa paglipas ng panahon ay unti unti na ding nakasanayan. Tiwala lang sa Panginoon ang sandigan. At sa bawat pagkakataon ay huwag nating kalilimutan na ang lahat ng pagsubok sa buhay ay malalampasan kapag kasama ang Dyos sa bawat galaw natin. Isang mapagpalang araw ng Linggo sa ating lahat at hangad ko po ang kaligtasan at kasaganaan para sa ating lahat. #NoiseCash #RandomThoughts
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet