Diretsong Pananaw Madalas kong naiisip kung papano na ang magiging buhay ko pagdating ng araw kung hindi ako mag pursige sa aking mg adhikain. Masaya ako noong pumapasok sa bawat araw sa aking trabaho. Ngunit sa nagdaang mga araw ay tila napanghihinaan na ng loob at nawawalan ng gana sa buhay. Isang panaginip ang nagbago sa aking nawawalang katinuan. Isang panaginip na naglalakad lamang ako sa isang mahabang daan at walang katiyakan ang direkson kung saan patungo. Nabuo sa isip ko ang sitwasyon ko sa kasalukuyan. Kailangan kong maging matatag at matapang. Kailangan kong harapin at labanan ang mga kahinaan na humihila sa akin pababa. Kailangan ko na nang diretsong plano sa buhay. Iisipin ko na ang baway araw ay mahalaga at naoaka ikli lamang para aksayahin. Buhay na minsan lamang natin makamtan at hindi na muling mapapa sa atin oras na ito ay mawala o bawiin ng Maykapal. image source: https://unsplash.com/photos/ERPFxsjWul8
No comments yet