Join 76,136 users and earn money for participation

My Worth It Budol Finds

19 29 boost
Avatar for CrazyRichFilipina
Written by   104
1 month ago
Topics: Shopping, Money

Hello, kamusta?

This article is in English at Tagalog language. However, you can click the "globe" button above to translate everything in English. Hope that helps. Enjoy reading!


Gusto ko lang ipamahagi ang ilan sa mga nabili kong produkto nitong mga nakaraang buwan na talagang sulit para sa akin. I find them worth it and #NoRegrets.

1. Canvas Tote Bag

it's me hahaha

Sa ngayon ay mayroon akong dalawang tote bag. Ang una ay binili ko sa isang malapit na kaibigan dahil mayroon syang negosyo nito kaya bilang suporta, bumili ako sakanya. Ang ikalawang tote bag ko naman ay galing lang din sa negosyo ulit ng kaibigan ko na nakuha for free kasi nagpa-giveaway sya nung Christmas party naming magka-kaibigan at luckily, nabunot ako.

Ang tote bag ay gamit na gamit ko. Ever since nagkaroon ako nito, most of the time talaga ay ito ang bitbit ko kapag may lalakarin. Sobrang helpful sya lalo ngayong pandemic kasi dapat laging may dalang alcohol, face mask, at face shield. Kasyang-kasya pa lahat ng ibang kakailanganin tulad ng payong, wallet, suklay, as in lahat na!

Link of my friend's business (purchase yours!): https://shopee.ph/everydaytote.ph

2. Phone Case with Pop Socket

Noon, phone case lang talaga yung binibili ko kasi mas handy. Pwedeng ilagay lang sa bulsa o sa long wallet at hindi ito magiging bulky. Pero nung nakaraang taon o mga buwan ata, sobrang kawawa na ng phone case ko kaya napag-desisyunan kong bumili ng bago at nakita ko sa Shopee yung phone case with pop socket at sabi ko, gusto kong subukan yun. Yung binili ko, hanggang ngayon ay gamit ko parin sa cellphone ko. Sobrang life saver para sakin kasi mahilig akong manood ng YouTube videos or Netflix, kaya instant na may stand na agad yung phone ko. Hindi ko na kailangan kumuha ng ibang bagay para mapatayo yung phone ko. At pag nanonood or nagcecellphone din ako pag naka-higa, supurtado ng kamay ko yung pop socket para hindi mahulugan yung mukha ko ng phone. 😆

Also, pinili ko din ganitong deign ng phone case with pop socket kasi fan ako ni G-Dragon. Hihi. If fan din po kayo or VIP (BIGBANG fan) kayo, hit me up. Magkaka-sundo tayo. Haha. 😉

Link: https://shopee.ph/INS-Hot-GD-Daisy-Flower-POP-SOCKET-Case-OPPO-A31-A5-A9-2020-A5s-A3s-F9-F11-Realme-3-5-Pro-5i-5s-C3-Reno-2f-Cover-with-Strap-i.86798808.4936727153?position=10

3. Sunscreen/Sunblock

Ilang skincare videos na ang napanood ko at ang talagang laging nire-recommend ay ang pagkakaroon ng sunscreen bilang parte ng skincare routine. Mawala na ang lahat ng skincare kemerut basta wag lang daw ang suncreen/sunblock.

Dahil nga rin sa climate change, iba na raw talaga ang epekto ng UV rays ngayong panahon kaya advisable talaga ng mga experts ang paglalagay nito araw-araw. As in, kahit nasa loob ka lang ng bahay, dapat naglalagay raw pa din nito.

Benefits ng Sunscreen/Sunblock:

  • Nakaka-prevent ng signs of aging

  • Nakakatulong para maiwas ang pagkakaroon ng sunburn

  • Nakakatulong para maiwas ang pagkakaroon ng skin cancer

  • Nalilimitahan ang pagkakaroon ng sunspots

Itong "Jeju Aloe Ice UV Sun Block" ang pinaka-paborito ko so far. Since senior high school ako ito ginagamit ko kasi mura sya kung ikukumpara sa ibang products at maganda ang feeling nya sa balat. Around P250 yung presyo nya, while sa ibang brands nasa P300 or P500 ang madalas kong nakikita. Pwede na rin kasi sya sa face and body, kaya saan ka pa. Hahaha.

Link: https://shopee.ph/Fresh-Jeju-Aloe-Ice-Sunblock-SPF50-100ml-i.137646110.7841400455?position=5

4. Bra Tape

Para sa mga kapwa ko babae lamang ang produktong ito. Hihi. Isa sa mga problema talaga ay ang maayos na bra para sa ating kasuotan lalo na kung ang susuotin natin ay fit na damit or sleeveless.

Mare-recommend ko 'tong bra tape na 'to. Madikit talaga sya hindi tulad ng iba na parang feeling mo anytime malalaglag na. Hahaha. 😆

Mga 3 times ko na ata nagamit yung isa ko nito. Hugasan lang after magamit then, sticky parin sya. Yung iba kasi, isahang gamit lang, di na dumidikit. So para sa mga kapwa ko babae jan na gustong um-awra ng OOTD pero di maka-awra dahil hassle ang bra, worry no more. 😉

Link: https://shopee.ph/Nipple-Tape-Silicone-Invisible-Bras-Self-adhesive-Stick-on-Push-Up-i.260684096.4486502251?position=10

5. Loose Leaf Metal Clip Binder

Gamit na gamit ko 'to para sa pagno-notes. Sobrang ganda para sakin kasi pwedeng alisin ang mga pages i-rearrange, at mag-refill. Perfect for my fellow students.

Link (this is one of my favorite shops): https://shopee.ph/PAPER-INCLUDED-Loose-Leaf-Metal-Clip-Binder-(20-26holes)-i.5166767.2597652849?position=5


So far, yung limang products pa lang ang naiisip kong sobrang worth it na budol finds para sa akin. Pero I think meron pang iba. Hihihi.

If you were to choose one product from my budol recommendations, which one is it and why? Comment below. 😊

Also... first time ko ata 'tong English and Tagalog article. Masaya mag-sulat ng ganito from time to time. Nano-nosebleed na ako sa pure English. Hahaha.

As always, thank you for reading! Until the next blog.❤️


Previous Articles:

Get to know me more on my noise.cash: CrazyRichFilipina

Date Published: September 18, 2021

11
$ 0.20
$ 0.10 from @Jeaneth
$ 0.05 from @FarmGirl
$ 0.05 from @ZehraSky
Sponsors of CrazyRichFilipina
empty
empty
empty
Avatar for CrazyRichFilipina
Written by   104
1 month ago
Topics: Shopping, Money
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

halaaa mahilig din ako sa tote bags!! ang simple yet classy tingnan kasi tas ang dami pa malalagay HAHAH and we have similar phone case omg pero yung sakin mirror yong holder tas may cover ng daisy HAHAHA ang cute gamitin kasi and I also tried yung bra tape since nasasakal ako mag-bra HAHA lalo na pag nasa bahay kaya ngayon comfy na lumabas kahit braless yeheyy!! Essentials talaga <3

$ 0.00
1 month ago

Ma try ko nga din iyang sunscreen/sunblock na iyan. Never pa kasi talaga akong gumamit ng mga ganyan. Pero sa pagkakabasa ko nitong article mo, napa isip ako. Bakit nga ba hindi ko ma try. Wala namang mawawala. Thanks dito sis.

$ 0.00
1 month ago

Ay bet!! Worth the price din naman yung sunblock/sunscreen haha naalala ko tuloy nung first time kong maglagay ng sunblock sa whole body ko jusko naparami yung lagay ko hahaha napakaobvious na ignorante.😅 Hmm i'll better buy it.

$ 0.00
1 month ago

Gusto ko yung sunscreen sis. Ma try ko nga din..😊 Ang sexy mo pala sis..😊 tyaka fashionista. Hehhee mahilig din ako sa fashion sis..🥰

$ 0.01
1 month ago

Yes naman. I check out na yang sunscreen. Haha . Mas sexy ka sis. ( ꈍᴗꈍ) Di naman ako masyadong fashionista. Linulubos ko na lang taaga ngayon ang pag ootd kasi sobrang minsan lang makalabas bc of pandemz. 😅

$ 0.00
1 month ago

Kaya nga sis ako din simula ng pandemic bihira na lumabas. Minsan nalang pag importante talaga. Hehehe mag sexy ka sis..🥰

$ 0.00
1 month ago

Sa'kin 2, 3, and 4.hihi. Pero most importantly ang 4. Hassle kasi ang strap ng bra. Nakakasira ng fashion. Also, kapag masikip, masakit siya sa balikat.

$ 0.01
1 month ago

True! Hassle talaga ng bra na ganun hahaha. Pero worry no more na dahil sa bra tape.

$ 0.00
1 month ago

Ma.try ko din kaya yung sunscreen. Wala din yan sa lists nang skin care ko.. Hehe..

Sana all naman diyan sis. Ang daming nabili ha. Pero sabi mo nga worth naman siya kasi both needs and wants mo naman at syempre pinag-iponan ang pambili.. :)

$ 0.01
1 month ago

Add to cart na ang sunscreen sis hahaha. True, worth it sila at pinag-ipunan din (◕ᴗ◕✿)

$ 0.00
1 month ago

Pagka- wala nang importanteng pagkakagastusan sis hehe. Birthday ko na kasi, malapit na, kailangan ko din pag-ipunan. Alangan naman aasa lang ako sa mama at papa ko. Hehe. Tanda ko na. XD

$ 0.00
1 month ago

Sure. Tama tama. Advance happy birthday sis! Ilang taon ka na ba soon?

$ 0.00
1 month ago

Thank you sis. Mag-tu-23 na ako sis.. Hehehe :')

$ 0.00
1 month ago

You look so tall, fashionable and classy! Parang bet ko yung sunscreen kase yan ang missing sa skincare ko eh. Will check the link and might as well get budoled. 😬

$ 0.01
1 month ago

OMG yung tall talaga ate. Hahaha. I'm 5' or 5'1 only. Sa angle lang po yan. 😅 Minsan lang din ako mag OOTD kasi minsan lang lumabas pero baduy talaga ako hahaha. Go na for the sunscreen. ✨

$ 0.00
1 month ago

That was an amazing shot. Hehe

$ 0.00
1 month ago

Thank you ❤️

$ 0.00
1 month ago

3, 4, 5 nabudol na ako haha! Yung aloe vera sa the face shop ko nabili hehe anlamig sa muka. 😆

$ 0.01
1 month ago

True! Sarap sa feeling sa mukha, noh? Hahaha.

$ 0.00
1 month ago