Join 94,428 users already on read.cash

Nagtutugmaang mga Rima ni Maria Clara

0 9
Avatar for CrazyInsane
Written by   102
1 month ago

Sinimulan sa pag unawa

Sa mga bagay-bagay na nooy nakakatuwa

Mga pa simpleng tapik

Sa bawat hagikhik

Mula sa isang nanahimik

Hanggang sa kunting sundo't may imik

Ang inakalang panaginip

Unti-unti'y nasisilip

Ang realidad na tikasan

Unti-unting nasisimulan

Unti-unting minamalayan

Naging araw ang gabi

Naging ngiti ang bawat pagsantabi

Naging enerhiya ang bawat puyat

Naging ikaw sa bawat sulat

Naging tayo kahit walang pamagat

Ngunit sampal nang tanikalay naka amba

Nag aabang sa muli kong pag sampa

Sa kaligayahang aking tinamasa

Kapalit ay kabulagan ng aking dalawang mata

Ang dating tayo na nag sasaya

Napalitan ng imahe nang pag luluksa

Kamatayan hindi ng sa isat'isa

Kundi paglisan mo't biglang pagkawala

Lumipas ang mga araw

Laging sa bintana dinudungaw

Hinihintay ang yong pag babalik

Umaasang ika'y muling mananabik

Panahon na mapanlinlang

Sa alab ng paghihintay akoy nadarang

Na abo at natusta

Nalugmok sa sadlak na pag uulila

Rosas na nooy mapang-akit

Ngayo'y tila ornamental na ayaw nang isabit

Nangangamoy hinagpis sa bawat pagsapit

Nang takipsilim at kadilimang napanakit

Hanggang dito nalang ba?

Pintuan ba'y isasarado ko na?....

Teka? May kalabog ....

May tila tambyolong dumadagundong

Dala'y gamot sa aking daluyong

Ako'y tuluyang nag padala sa agos

Nang pag kauhaw sa halik at mga yapos

Kung iyo man itong mababasa,

Malamang soot ko na ang aking puting bistida

At kung sakali mang may pagsisisi sa yong bawat kaba

Wag kang mag-alala , sa aking bawat dasal

Ika'y palaging isasama

Akay-akay ang humahalimuyak na mga bulaklak

Papasok sa simbahang parehas nating inasam

Lugar kung saan plinano nating mag sumpaan

Nang pagmamahalang di matutumbasan

Paalam aking mahal

Iniwan ma't iyong sinaktan

Puso ko'y kahit konti di nagdamdam

Walang galit na nararamdaman

Sa halip ay galak at taos pusong pasasalamat

Sa ating mga ala-ala

Sa lungkot at sa ligaya

Sa paulit-ulit kong pagkadapa

Sa aral na sayo ko lang nakukuha

Maraming salamat sa lahat...

Wala ka man ngayon sa aking tabi

Hindi man ikaw ang magiging kayakap ko sa mga nalalabing gabi

Ikaw naman ang nag hatid sa akin

Sa tamang pag-ibig at hindi pagkaalanganin

Hanggang dito nalang itong nagtutugmaang rima

Hanggang sa muli nating pagkikita

Sanay mahanap mo na ang ligayang

Di mo natamasa sa ating pagsasama

Nagmamahal...

Maria Clara

_________________

This has been CrazyInsane chow 👋

1
$ 1.22
$ 1.22 from @TheRandomRewarder
Sponsors of CrazyInsane
empty
empty
empty
Avatar for CrazyInsane
Written by   102
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments