Magandang Kaluluwa

1 30
Avatar for Cold3ndice
4 years ago

GENRE: MURDER, ROMANCE

Hi I'm Oliver a.k.a Levs 19 years old at kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na University, hindi ako palakaibigan kaya iilan lang friends ko since High School.

I love music and I have a talent sa pag draw, dalawa lang kaming magkapatid at medyo nakakagaan sa buhay.

"Levs shot naman tayo tutal eh birthday ko naman eh". Yaya ni Lance bestfriend at kapit bahay ko.

"Ah eh baka magalit si mama". Tanggi ko palusot ko lang yon kasi ayoko talagang uminum.

"Naku wala ka ng palusot Levs naipaalam na kita kay tita, okay lang daw basta ihatid kita".

Napakamot nalang ako sa ulo at walang nagawa kundi pumayag.

Pag kagaling namin sa School ay dumiretso na kami sa bar hindi naman na kami minor at nagbihis kami bago pumasok.

Nandun na lahat mga barkada namin, sayaw dito tagay doon ang gawa ng mga ito habang ako nakaupo lang sa tabi at umiinum.

Ilang bote palang ng alak ay tinamaan na ako siguro ay dahil pagod ako kakatapos lang kasi ng finals namin at ilang araw akong puyat kakareview.

"Pare pwede na ba akong mauna? Mukhang tinamaan na ako eh".

Paalam ko kay Lance.

"Pare alas diyes palang ah tsaka ihahatid kita".

Sigaw na sagot nito dahil maingay sa background.

"Okay lang ako pre mag bus nalang ako isang sakay lang naman eh".

"Okay sige salamat pare ah ingat ka".

Agad na akong umalis hindi na ko nagpaalam sa iba kasi panay lasing na ang mga ito at nagwawala na sa dance floor.

Sumakay lang ako sa bus pero sa kamalasan nasiraan kami bago man lang makarating sa subdivision na tinitirhan namin.

Naglakad nalang ako malapit na din namin sa amin isang park lang ang daraanan at pagkalampas ay subdivision na.

Kinikilabutan ako nang papalapit na sa park medyo may kadiliman kasi dito at may sabi sabi na may babaeng nagpapakita sa lugar na ito.

Kunwari ay wala lang sa akin at sinuot ko nalang ang headset ko.

Sumisipol-sipol lang ako habang marahang naglalakad.

Maya maya ay may naririnig akong humihikbi tinig ito ng isang babae na animo'y galing sa ilalim ng balon.

Kinilabutan ako ng sobra pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko at hindi makahakbang ang paa ko.

Patuloy lang ang iyak nito at pakiramdam ko habang tumatagal ay papalapit ang boses nito sa kinatatayuan ko.

"Hahahaha nakikita mo ba ang mukha mo kuya? Hahaha nakakatawa ka po".

Nagulat ako dahil wala namang multong tumatawa.

"Hahaha Hindi ako multo kuya ano kaba!".

Tawa na naman nito.

Nilakasan ko na ang loob ko at nilingon ito.

Nakita ko ang isang babaeng nakauniform sobrang puti nito na akala mo'y wala ng dugo, umaabot sa laylayan ng blouse nito ang mahaba at itim na buhok, cute ang mukha nito na parang babae sa anime at sa tantiya ko ay hanggang balikat ko lang ito.

"Miss ano bang trip mo?! Paano kung may sakit ako sa puso at atakihin dito pananagutan mo ba ako ha?!".

Angil ko dito naiinis kasi ako, oo lalaki ako pero sobrang matatakutin akong tao.

"Hihi sorry po kuya".

kiming sagot nito at yumuko, pinagmasdan ko ito at pamilyar ang uniform niya sa akin uniform yon ng University sa kalapit na bayan namin.

"Miss galing kang ibang bayan ah bakit dis oras ng gabi ay nandito ka? Madilim dito baka mapano ka? Wala nang masakyan dito sa ganitong oras".

Mahabang tanong ko dito, babae din kasi ang bunsong kapatid ko kaya nag-aalala ako para dito.

"Ahmmm may hinihintay lang ako". maikling sagot nito.

"Sino?"

" Hihi hindi ko alam eh nakalimutan ko na, sige uwi kana kuya ingat ka".

Tatalikod na sana ito pero pinigilan ko.

"Teka lang ihahatid kita at hahanapan ng masasakyan".

"Sige kung mapilit ka eh, salamat".

Sabay kaming naglakad at dahil awkward ay nagtanong na ako.

"Levs... ah ako nga pala si Levs short for Oliver, anong pangalan mo?".

"Diane po kuya".. Nakangiting sagot nito.

"Siguro ay mag kaedad lang naman tayo wag mo na akong tawaging kuya at wag mo na akong i-po".

"Hehe sige Levs".

Nagtataka ako kasi bigla na lang syang huminto at parang hindi makaalis.

"Dito na lang tayo maghintay".

"Sige, ayan may paparating na taxi".

Pinara ko ito at pinagbuksan sya ng pinto pumasok naman ito at kumaway sa akin.

"Oh iho sasakay ka ba?".

Nagtaka ako sa tanong ni manong hindi ba nito napansin si Diane sa loob.

Sinarado ko nalang ang pinto baka di lang nito napansin ang dalaga.

"Okay na manong ingat sa pagmamaneho ah".

"Hoy! Tigilan mo yang pag aadik mong bata ka! Nagtatrabaho ako eh paparahin mo ako at hindi ka sasakay! Diyan kana nga!".

Hindi na ako nakasagot at humarurot na ito ng patakbo.

Lumingon pa nga si Diane at kumaway sa akin.

Kumaway lang din ako at umuwi na sa amin.

Nakahiga na ako sa kama ko pero parang hindi pa din ako makatulog naaalala ko ang mukha ni Diane.

Sana ay makita ko pa sya ulit.

Tuwing gabi ay lagi kong nakikita si Diane sa park na yon sinasabayan nya ako umuwi at minsan naman ay tumatambay ako para may kasama sya.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit siya laging may hinihintay doon pero hindi ko naitatanong yon pag kasama ko sya dahil na din siguro nalilibang ako dito.

Dumaan ang isang buwan na ganon ang set up namin pakiramdam ko nga ay nahulog na ang loob ko dito kaya nang gabi ding iyon ay balak ko na pormal na manligaw dito.

"Ahmmm Diane may gusto sana akong sabihin sayo".

"Ano yon?".

"Pwede ba kitang ligawan? Gusto pa kitang makilala pwede ba akong dumalaw sa inyo?".

"Ha? Ah eh".

Hindi ito sumagot at parang nalungkot.

"Hindi na pwede Levs eh".

"Bakit may boyfriend kana ba?".

"Ito ang bahay namin puntahan mo to para malaman mo".

Naguguluhan ako pero kinuha ko ang kakapiranggot na papel na inabot nito.

Binasa ko ito at address ang nakasulat.

Tatanungin ko sana dito kung pwede bang kami nalang dalawa ang pumunta pero wala na ito sa harap ko.

Tumakbo ba ito? Bakit hindi ko narinig? Tatawagan ko sana kaso wala naman akong cellphone number nya.

Bakasyon na namin kinabukasan kaya nagpaalam ako kay mama na may pupuntahan lang pumayag naman ito.

Sumakay ako ng taxi papunta sa address na binigay ni Diane.

Ibinaba ako ng driver sa isang malaking bahay.

Naguguluhan man ay nag desisyon akong pindutin ang doorbell, isang babaeng nasa 50's na ang nagbukas ng pinto.

"Anong kailangan nila?".

"Ma'am dito ho ba nakatira sa Diane?".

Natigilan ito sa tanong ko.

"O-oo pero matagal na syang wala".

Nakita kong naiiyak ito.

"Halika tuloy ka at sumunod sa akin".

Parang robot naman akong sumunod dito pumasok kami sa bahay at dumiretso sa isang magara at malaking kwarto.

Nilibot ko ang tingin sa buong bahay puro pink ang mga gamit sa buong kwarto at nakita ko ang mga litrato ni Diane, sobrang ganda nito lalo na kapag nakangiti.

"Paano mo nakilala ang anak ko? Bakit ngayon ka lang dumalaw dito? Dalawang taon na ang nakalilipas nang mawala siya".

"Lumayas po ba sya?".

"Ano bang sinasabi mo iho?! Nawawala ang anak ko at walang makapagsabi kung nasaan sya dalawang taon na ang nakalilipas iho, hindi namin alam kung nasaan ang anak ko! Ang kawawa kong anak!".

Histerikal na sagot ng ginang.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa sinabi nito.

Napaupo ako sa kama at di namalayang dumadaloy na ang mga luha ko.

Ilang oras kaming nag-iyakan.

Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi ito nakita nang driver nong gabing hinatid ko ito.

Kung bakit ayaw nitong mamasyal kami at ipakilala ko sya kila mama.

Kung bakit blurred lahat ng pictures namin ay dahil multo na pala ang kasama ko.

Kinuwento ko sa nanay ni Diane lahat ng nangyari wala itong ginawa kung hindi umiyak.

Gabi na ng umuwi ako pero bago ako umalis ay pinangako ko na gagawin ko ang lahat para malaman ang nangyari kay Diane upang matahimik na ang kaluluwa nito.

Madali akong pumunta sa park at doon ay nakita ko si Diane nakaupo, puno ng putik at dugo ang katawan nito.

"Diane!".

Agad ko syang niyakap at umiyak.

"Bakit hindi mo sinabi?".

"Sorry Levs baka kasi matakot ka at hindi mo ako tulungan".

"Pero bakit nakikita at nahahawakan kita?".

"Kasi special ka may sixth sense ka".

Hinarap ko ito at doon ay kinuwento nya ang nangyari.

"Si tito Rico a-ang step father ko, sya ang humalay at naglibing sa akin dito. Hayop sya! Simula noong nagsama sila ni mama ay paulit-ulit nya akong hinalay tinakot nya ako na kapag nagsumbong ako ay papatayin nya kami ni mama . Noong nag out of town si mama ay sinamantala nya ang pagkakataon pero lumaban ako! Pero wala akong magawa malakas sya at nagawa nya ang kababuyan nya hindi pa sya nasiyahan at tinorture nya ako hanggang sa mawalang ako ng buhay! Napakahayop nya Levs!"

Matapos kung marinig ang buong kuwento ay bumangon ang galit sa dibdib ko mabilis kong tinawagan ang nanay ni Diane Isinalaysay ko ang pangyayari at mabilis itong kumilos.

Nagreport ito sa police at pinadampot ang kinakasama, maraming ebidensya ang natagpuan dahil sa tulong din ni Diane. Nahukay ang katawan nito sa park na ang katapat lang pala ay pag mamay ari ng step father ni Diane.

Nakulong at nasintensyahan ito ng habang buhay na pagkakakulong.

Ngayon ay nasa puntod ako ni Diane, ang mahal kong multo na pala.

Masaya ako dahil matatahimik na ito pero malungkot dahil hindi ko na ito muli pang makikita.

Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi ko at paglingon ko ay nakita ko si Diane nakaputi ito at banayad na nakangiti sa akin.

"Salamat Levs makakaalis na ako".

Kumaway ito at unti-unti nang naglaho.

-Wakas-

2
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Avatar for Cold3ndice
4 years ago

Comments

May resemblance sya sa story ko. multo din. I f you have time. Kindly meet my Annie titled The kiss https://read.cash/@Xzeon/the-kiss-1fe68bc1😉

$ 0.00
4 years ago