Maaga kong tinawagan si Jay at nagmamadali itong pumunta sa bahay.
Isinalaysay ulit ni Ana dito ang nangyari.
"Mabuti at ligtas ka Ana, dito ka lang muna at kami na ang bahala sayo".
"Opo kuya salamat po".
Bumaling ito sa akin.
"Sabay na tayo pumunta sa office at ireport to sa head natin".
"Okay tara na".
Nagpaalam lang kami kay mama at mahigpit ang bilin kong wag silang lalabas ng bahay.
"Wala ka namang binabalak na iba db?".
"Ha? Wala, magpapatulong na ako para siguradong mahuli ang mga hayop na yon".
Sa totoo lang ay plano ko sanang sugurin itong mag-isa pero naisip kong dehado ako dahol babae ako at lima ang kalaban ko. Mas mabuti na din na kasama ko sina Jay.
Pagdating namin sa opisina ay agad naming ni-report ang pangyayari, bumaba ng warrant of arrest ang head namin at pina-background check ang mga ito.
Mabibigat na tao pala ang aming kalaban dahil bukod sa mga anak mayaman ay maimpluwensya din sa politika ang mga pamilya ng mga ito.
Agad na kumilos ang team namin ngunit sa kasamaang palad wala itong natagpuan ni isa man sa limang suspect, nakatunog ang mga ito at agad na lumipad papuntang ibang bansa.
Dahil dito ay hindi ko muna pinayagan ang kapatid ko at si Ana na pumasok sa School.
Ngunit isang araw isang tawag ang gumimbal sa akin.
Si Leo hawak ng mga demonyo at ako daw ang gusto nilang kapalit.
Hindi ko alam ang gagawin ko nag dadalawang isip ako dahil delikado ang sitwasyon kahit anong piliin ko.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Jay dahil papatayin nila si Leo.
Delikado din kung ako lang ang lalakad.
Nakapag desisyon na ako at gusto kong makaharap ang limang pumaslang sa papa ko.
Kahit sa huling hininga ay sisiguraduhin kong makakapag higanti ako para sa ama ko.
Gumawa ako ng alibi para makaalis sa bahay at hindi na ako nagpaalam kay Jay.
Isang kweba ang inutos nitong puntahan ko at naaalala ko na itong lugar ding ito ang lagi kong napapanaginipan. Ito ay ang kweba malapit sa parola.
Palinga-linga ako at kumakapa sa dilim.
May narinig akong kaluskos sa likod ko, tututukan ko sana ng baril kung sino man ito ngunit bugla nalang may matigas na bagay na tumama sa batok ko.
Sobrang sakit nito at unti-unting nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko ay nasa loob na ako ng kweba may nagkalat na ilaw sa mga gilid nito.
Nakahiga ako at nakatali sa gitna ng malaking bato.
At gaya ng nasa panaginip ko tanging puting tela lang ang naiwang saplot ko.
"Tulong! Tulungan nyo ako!".
Ubos lakas na sigaw ko.
"Hey hey hey gising na pala ang pakialamerang police woman na ito!".-K1
Papalapit ang limang lalaki sa akin, nakaitim at maskara ang mga ito.
"Mga hay*p kayo nasaan si Leo?!".
"Hahaha shhhhh don't worry he's just sleeping over there".-K2
Paglingon ko ay nakita kong nakatali at may busal si Leo wala sin itong malay.
"Ano bang kailangan nyo?!".
"Hahaha you, we just need you!"-K3
"Bago nyo ako patayin sabihin nyo kung bakit nyo ginagawa ito!".
"Hahaha story telling? I like that, well ano nga ba?".K4
"For fun! Hahaha we love seing blood and crying ladies".-K5
"Mga wala kayong awa!".
"Awa? Naawa ba sa amin ang mga babaeng umabuso sa kamusmusan namin?!"-K1
"Tama ka ng narinig, inabuso kami at bininta kung kani-kanino".
"Mayaman kayo! Bakit kayo ibibinta ng magulang nyo?".
"Hahaha no no no! You're wrong lady, ampon lang kaming lahat at bago kami napunta sa mga poster parents namin ay nanggaling kami sa ampunan. Hmmm no! mas suitable dun ang salitang impyerno."
"Lahat kami ay galing sa napakasamang mundong yon at pinangako namin na lahat ng babaeng may ari ng ampunang iyon hanggang sa pinakadulo ng angkan nito ay hahanapin namin at iaalay sa aming sinasamba hahaha!"
"Wala akong kinalaman dito! Wala akong kamag anak doon". sigaw ko.
"Oo hindi ka sana kasama pero nakialam ka kaya hindi na kami malayang makapaghiganti ngayon!"
Tuluyan ng lumapit ang lima sa kinalalagyan ko.
Nakita ko ang pulang rosas sa kamay ng isa sa mga ito at ang pinakaleader ay may hawak na kutsilyo.
May inuusal ang mga ito at pumalibot sa akin.
Pumapalag ako at patuloy na sumisigaw.
Nang matapos ang dasal ay itinutok ng isa ang kutsilyo sa dibdib ko.
Nanghihina na ako at parang nawalan na ng pag-asang makakatakas ako sa mga ito.
Siguro ay ito na ang kapalaran ko.
Isang malamig na bagay ang naramdaman kong tumurok sa tagiliran ko at nakita kong sasaksakin ako ulit nito sa aking dibdib.
Pero pa mangyari yon ang isang putok ng baril ang narinig ko at nasundan pa ng marami.
Isang gwapong lalaki ang nakita kong bumuhat sa akin bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Pagmulat ko ay si papa ang nakita ko nakangiti ito sa akin.
"Papa huhuhu papa"
Umiiyak ko itong niyakap ng mahigpit.
"Papa salamat at nayakap kita, bumalik kana ba papa?".
Luminga-linga ako sa paligid napangiti ako sa ganda ng tanawin para kaming nasa isang paraiso.
"Hindi anak, tuluyan na sana akong magpapaalam sayo. Tapos na anak napakatapang mo natapos mo ang laban natin".
Nakangiti ngunit naluluha nitong sagot.
"Pero papa dito nalang po ako sayo sasama nalang po tayo para hindi ka malungkot dito".
"Suzy anak hindi pa pwede hindi pa ito ang tamang panahon. Malulungkot ang kapatid mo, ang mama mo pati si Jay, hinihintay ka nila anak. Mahal na mahal ko kayo".
Yon lamang at bigla akong nahulog sa isang maliwanag na butas.
"Papa!"
Napabangon ako at nagtaka dahil nakapalibot sa akin ang mga doctor at nurse pati na rin sila mama at nag-iiyakan.
Nakita kong nagulat ang mga ito at biglang nagpalakpakan sa tuwa.
"Suzy anak buhay ka! Salamat sa diyos!". Tuwang yumakap sakin ni mama at Sydney.
"Congratulations po stable na ang kalagayan ng anak nyo mauna na ho kami". sagot ng isang doctor bago ito nagsilabasan.
"Ma bakit muntik na ba akong namatay?".
"Oo ate maraming dugo ang naubos sayo dahil may isang organ ang natamaan nong nasaksak ka, buti nalang at na-rescue ka agad ni kuya Jay".
"Maiwan muna namin kayo ni Jay anak bibili lang kami ng makakain natin. Jay anak ikaw na bahala".
"Opo tita ingat po".
Umupo si Jay sa upuan sa tabi ko, babangon sana ako pero pinigilan ako nito.
"Just lay down okay? Pahinga ka muna, tsaka na kita pagagalitan kapag magaling kana".
"Sorry Jay I have no choice eh nasaan na pala si Leo?".
"Okay na sya may konting galos pero nagamot na".
Hinawakan nito ang kamay ko at tiningnan ako sa mata.
"Pinag-alala mo ako ng sobra Suzy halos mamatay ako kakaisip kung napano kana".
Seryosong sabi nito.
"Sorry talaga hindi na mauulit, teka pano nyo pala nalaman kung nasaan ako sa pag kakatanda ko wala akong pinagsabihan?". Curious na tanong ko dito.
"Hehe actually may tracking device ang cellphone mo nilagyan ko dati incase na maglayas ka hihi". Kamot batok na sagot nito.
"Hahaha ikaw talaga, pero seriously Jay maraming salamat kung hindi dahil sayo ay baka namatay na ako. At dahil tapos na ang misyon ko pinapayagan na kitang manligaw".
Nakangiting sabi ko dito. Nanlaki ang mga nito at hindi makapaniwala sa narinig.
"Talaga? Pwde na akong manligaw?Yes! Yes! I love you Suzy!".
Bahagya akong niyakap at hinalikan niyo sa noo.
Mabilis na lumipas ang panahon ngayon ay kasal na kami ni Jay at may isa ng anak
namumuhay kami ng simple at masaya, malayo sa gulo at panganib.
THE END
Chapters.