read.cash Log in
C@ColGearheart more from that month

Ang Tunay na Kahulugan ng Kalayaan

Narinig mo na ba ang katagang ito? O 'di kaya'y nasambit mo narin ito? "walang basagan ng trip". Nanganahulugan ba ito ng paggamit ng kalayaan? Ang kagustuhan nating gawin ang mga bagay-bagay ang may limitasyon. Ngunit ang paggawa ng mabuti sa sarili at para sa kapwa ay walang limitasyon. Kaya habang lumalaki ang tao kailangan niyang malaman ang totoong kahulugan ng kalayaan. Ang tunay na kalayaan ay isang determinasyong gumawa ng mabuti na may kaakibat na responsibilidad. Halimbawa, pangarap ni Jess ang pagiging isang doktor kaya sa kanyang propesyon naglilingkod siya ng mabuti lalong-lalo na sa mga mahihirap na pasyente. Isa ito na nagpapakita ng totoong paggamit ng kalayaan. Dahil nga nilikha ang tao na mabuti kaya dito natin makukuha ang tamang gabay na magtuturo sa atin ng tamang kahulugan na may kasamang respinsibilidad. **Uri ng Kalayaan** Kalayaan mula sa (freedom from). Habang nagkaka-isip ang tao nagkakaroon ang tao ng kamalayan sa ibig sabihin ng kalayaan. Ang kalayaan na ito ay ang kaalaman ng tao na ang totoong nakahahadlang sa kanyang mga kilos ay hindi iba kundi nagsisimula sa kanyang sarili. Halimbawa, si Samantha ay humingi ng payo sa kanyang kaibigan ngunit sa bandang huli ang tunay na nararamdaman ng kanyang puso at isipan parin ang kanyang susundin. Kalayaan para sa (freedom for). Bilang lipunang nilalang ang kaugnayan sa kalayaan na ito ay ang gawin una ang kapwa bago ang sarili. Dahil sa ating mga karanasan nagkakaroon ang tao ng malayang pagpili. Ang kakayahang pumili sa mga pagpipilian ay walang alinlangan na galing sa kalayaan. Samakatuwid, kailangan maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya sa pagtugon dahil sa pagmamahal at paglilingkod sa kapwa. Halimbawa, si Sam ay mahilig maglaro pero sa tuwing inuutusan siya ng magulang upang alagaan ang bunsong kapatid ay ginagawa niya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.