read.cash Log in
@Cocogrey edited

Kalikasan

Septembre 28, 2021 Sulat ni Cocogrey Paksa: Kalikasan Hi, Magandang gabe po sainyu mga manunulat at mambabasa, isa po'ng mapag palang araw sa lahat. Bago ko po sisimulan ang aking pagsusulat patungkol sa "Kalikasan" ako po ay mag papasalamat muna sainyu sa palaging pag hikayat sa aming mga baguhan para mag sulat ng mga artikulo na orihinal galing sating mga isipan, at habang binabasa ko ang artikulo ng isa sa mga magaling mag sulat kagaya ni @bmjc98 ako po ay lubusan na inspired, at hindi lang po siya ang nag sulat patungkol sa ganong artikulo. Well, gagamit po ako ng mga salitang english peru kakaunti lang (hehe) Sa kadahilanang ako po ay lubusan ng hirap (kawawa naman) ngunit sasabihin ko po olit hindi po rason iyon para huminto sa pag susulat. Ang artikulo ko ay patungkol sa kalikasan

Papano ngaba natin aalagaan ang ating kalikasan, malamang sapanahon nato napapaisip na tayu na wala naba talagang pag asa para ingatan muli ang ating kalikasan? Sa dami banamang mga taong hindi sumusunod sa mga panukala ng ating gobyerno patungkol sa pag alaga sa kalikasan, Kung na alala niyu may isang babae o sikat na artista na siyang nag panukala ng isang programa sa pilinas para alagaan ang kalikasan at marami siyang nagawa sa mga panahon niya ngunit, nong nawala siya ay nahinto din ang mga ito, kumbaga walang nangyari din sa kanyang proyekto. Hindi kolang ma alala ang pangalan ng taong iyon dahil hindi nako nag research pa, ngunit sa isipan ko ang mga nagawa niya ay di mabura. Sa panahong to, tayu ba ay may magagawa pa? Kung makikita natin, kahit mga kabataan ay wala ng respito sa "Kalikasan" karamihan ay wala ng paki alam. Tapon dito, tapon doon kahit ako man ay nag tatapon kong saan, kaya ko naisipan ang paksang ito dahil nais kong makakuha ng impormasyun galing sa mga opinyun niyo. Nais kong mag patulong na mabuo sa aking isipan ang tamang pag aalaga sa ating kalikasan. Kung mapapansin niyu, kunting ulan malakihang bahaan.

Kahit, ang mababang presyon (low pressure) kahit na dipa lubusan naging bagyo, ay merong dalang lakas ng hangin, pano na kaya kung bagyo.

Sa puso ko may kunting pangamba na baka sa susunod na araw ay may mas malakas pang hagupit ng kalikasan satin, habang sinusulat ko to ay may kunting dasal ako "Na sana ay may kunting pag babago sa bawat tao" Dasal na siyang pasimula sa pag babago para ma alagaan ang inang kalikasan.

Sino ba naman ang taong ayaw gumanda ang ating kalikasan, makita ang kabundukan na punong puno ng Pono, at purong berde na siyang nag bibigay buhay sating mga tao sapagkat silay nag bibigay ng oksiheno (oxygen) Tama lang na ibalik natin sa kanila ang binigay nila satin, sa paraan na tamang pag aalaga.

Wala akong masiyadong alam patungkol sa paksang meron ako, ngunit dahil sa pagkakasala sa inang kalikasan ay bigla akong nahabag damdamin, may takot din sa puso ko na baka sasusunod na henerasyun ay mas malupit pa ang dadanasin. Isipin nalang natin na mag bubuo din tayu ng pamilya mag aanaka at magkaka apo, Bakit di natin simulan ang pag aalaga sa inang kalikasan, itapon sa tamang tapunan ang basurang nakakasira sa kalikasan. Mundo ay di atin, dapat talaga nating ingatan. Buhay ay di atin, dapat din talaga nating ingata. Salamat sa mga taong ito na siyang isa din sa mga rason kumbakit ang mga baguhang kagaya ko ay patuloy na nag susulat. :) Dios na mapagmahal dapat masuklian, kanyang gawa ay ingatan. Ang kalikasa ay siyang pangalawang ginawa ng Dios sa pangalawang araw niyang pag gawa dito mahiya naman tayu, dahil ginawa niya lang din tayu. Kung di natin iingatan ang kalikasan tayu lang din ang mahihirapan. Bagsik ng inang kalikasan di natin maiiwasan. ---------------------------------------------------------------- Para sa pag sasara ng aking malikot na isipan, ang aral na siyang dapat mabahagi ay siyang pag iingat sating kalikasan. Hatala naman Lol. Ito ang aking artikulo na insperasyun ng manunulat na si @bmjc98 , gumawa ako gamit ang lingwahe ng Filipino. alam kung kunti lang ang makakaintindi nito, at karamihan ay kababayan ko. Salamat na din kase nag karoon ako ng lakas ng loob mag sulat pa ng artikulo. Salamat sainyu mga manunulat naway maka hikayat pa kayu ng baguhang tulad ko. Ako po ay di tatakbo sa pagka pangulo, ang aking mga talumpati ay talumpati ng isang normal na tao na siyang nag mamahal sa inang kalikasan sa mga panahong to. Tataposin kona, nang saganon ay malaman kona ang inyung opinyun sa paksang meron ako. Bago ang lahat, maraming salamat. All images are from unplash.com

15¢

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.