Ang Misteryo ng Buhay .
Ang buhay ay parang isang malaking misteryo para sa ating lahat . Hindi mo alam kung kailan ka dapat pumasok . O lumabas . Masasabi mo nalang na tama ba ang ginawa ko ? Anong magiging kalalabasan . Maganda ba o mapapasama lang . Ang hirap sumubok lalo na kung lahat nang tao huhusgahan ka . Mahirap mag pakatatag kung ang sarili mo na yung susuko . Mahirap kasi nakakapagod . Palaging nakakainis . At palaging nakakasuklam . Laging luha ang kapalit ng pag subok . Matatalo ka . At huhusgahan ng iba . Inaasahan nilang magaling at mahusay ka . Pero dika nag tagumpay . Pero sa ibang banda . Ang pag subok sa ibang bagay na hindi mo ginawa . Isa itong maganda at kaaya aya dahil masusubok ang iyong pasnesya at kalakasan sa isang bagay . Sa pa ulit ulit mong sumubok . Pwedeng mag bago ang kapalaran at manalo ka . Ibat ibang paraan ang pwede mong gawin para mag tagumpay sa buhay . Sabi nila kailangan mo lang mag pakatagtag at habaan ang pasensya dahil hindi sa lahat ng laro ikaw ay talo . Minsan sa buhay kailangan mong maging handa sa kung ano mang possible mangyari . Dahil walang ibang tutulong sa sarili mo kundi ikaw . Ikaw lang . Marahil lahat ng tao ay hindi mo pwede pagkatiwalaan sapagkat walang katiyakan ang kanilang mga salita . Naalala ko . Ang pangako ay ginawa lang upang saktan ka at paiyakin . Luha na hindi mo ginusto pero ginawa naman ng iba . Malaking pagbabago sa buhay ang mabigo sa mga taong nangako . Kaya kinakailangan maging matalas ang iyong pandama . Hindi ka dapat maging mahina sa pag desisiyon sapagkat dito nakasalalay ang iyong kinabukasan . Hindi ko sinasabing wag mag tiwala pero dapat lang na hindi ka basta basta mag tiwala . Dahil ang tiwala dito nabubuo ang sakit dahil umasa ka sa mga bagay na malabong matupad . Malabong panghawakan kasi walang sapat na lakas at determinasyong matupad. Masakit ang buhay dahil hindi mo nakikita ang iyong kapalaran sa hinaharap . Masakit dahil hindi mo pwede bagohin ang nakatakdang mangyari . Marahil pwede mong gawan ng paraan . Paraan para naging maayos ang lahat subalit ang panahon naman ang magiging kalaban mo . Pwede mong pigilan pero ang tawag ng hinaharap . Hindi . Nakakapag taka subalit . Kailangan mong tanggapin na ang buhay ay parang isang panaginip . Walang kontrol sa panahon . Subalit pwede kang sumubok gumawa ng paraan yun ay kung malakas ka para kontrolin ang iyong panaginip . Pwede kang masugatan ngunit pag nagising ka wala at maayos naman . Ngunit mag bibigay ito ng peklat sa iyong puso at isipan . Lalo na kung ang pinag daan mo ay masakit at kahindikhik lamang ang dala . Marahil sa iba magandang mabuhay ngunit sa iba naman ay hindi . Minsan napapaisip ako pano kung naging pantay pantay nalamang ang lahat . Edi masaya sana ang mga pamumuhay nating lahat walang mahihirap at walang mayaman kasi pantay pantay lamang tayo . Walang aapak sa pag katao . At wala ding mag yayabang . Sa ibang banda . Siguro tama lamang na hindi pantay dahil walang malalakas ng loob para umangat at wala ding gusto pa gumamda ang estado sa buhay . Walang mag sasaka , walang mangingisada at walang mag sisilbi sa bayan kung puro mayaman lamang ang naririto . Ang ating bayan ang nag sisilbi nating tahanan . Ang nais ko lamang ipahiwatig na kailangan mag sikap , maging matalas ang isipan at damdamin , matutong maging maayos ang buhay matuto sumubok kahit pa paulit ulit tayong matalo dahil ang totooong buhay ay hindi nasusukat sa estado kundi sa kaugalian at determinsyon . Dito mo makikita na mahalaga ka bilang isang mamamayan at bilang mabuting kapwa tao . Kung mahirap ka ngayon . Ikakarangal mo naman na mayaman at dalisay ang taglay ng iyong puso . Sa ngayon ito lamang ang pwede nating panghawakan sapagktan hindi pa natin naabot ang tutuktok sa pagiging panalo . Mahiwaga man ang buhay ngunit laging tatandaan . Mag dasal lamang sa may kapal at lahat ng hinaaing at problema na iyong dinadala naway bigyan tayo ng sapat na lakas upang maging magan at madali lamang natin mapasan ang paparating na problema na ating makakasalmuha pag dating sa tamang panahon . Ito ang unang kung sulat ko para sa inyo wala po akong masamang hangad sa pag sulat nito ngunit nag papahayag lamang ng opinyon. Dinasal ko na sana maging maayos kayo . Alam ko na makakaya niyo ito lahat . Mag iingat po kayo at wag lalabas kung hindi kinakailangan . Mag suot ng takip sa ilong at bibig laging maghugas ng mga kamay . Isa ito sa mga bagay na pwede nating gawin upang iwasan kahit papano ang kalaban nating virus . Sana maging ligtas kayo at ng pamilya niyo .
No comments yet