Salamat Anak

3 53
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Life, Writing, Story, Freewrite, Personal, ...

Bawat anak hinangad ang makapiling ang mga magulang. Walang magulang ang gustong mawala'y ang anak at gayundin rin kaming mga anak. May magulang ka pa ba? Dahil kung oo ang swerte mo sapagkat may mga magulang kang malapitan sa oras ng kagipitan. Sya nga pala ang istoryang itong ay batay sa akin . Alam mo ba na masarap pakinggan ang salitang "ANAK" ano pa kaya kung dagdagan ng salamat.

Mahirap ang mawala'y sa magulang lalo na kung may sakit ka. Napakahirap magtrabaho kapag sanay ka na kasama sila 3 year na ako dito sa amo ko kahapon.

Ika-10 ng Setyembre taong 2020 ay petsa kung saan ako'y isilang ng aking butihing ina. Nakausap ko ang inay at itay sa vedio call. Kitang kita ko sa kanilang mga mata ang lungkot at saya dahil nakita at nakausap na nila ako. Binati nila ng " HAPPY BIRTHDAY". Ang lahat ay puno ng tawanan at biruan pero natigil nang biglang magmensahe ang itay;

"Anak happy birthday ulit, paano ko ba ito simulan. Unang una SALAMAT dahil sa iyo mas gumaan ang buhay namin dito. May naipundar ka na rin oh! Pag-uwi mo makikita mo na lahat. Salamat Anak ha kasi alam namin ng inay mo na pagod ka na. Pilitin mo bang itago sa pamamagitan ng iyong mga ngiti pero anak di nagsisinungaling ang iyong mga mata. Alam ko na di ako perpektong ama sa inyo na imbis ako ang Hiligi ng tahanan pero d ko nagawang gampanan at ikaw ngayon ang nagpakahirap para sa ating lahat. SALAMAT NG MARAMI ANAK"

Sambit nito kasabay ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata.

Pinigilan kong di umiyak kasi gusto ko masaya lamang kaming mag-uusap dahil kaarawan ko tila natigilan ako ng biglang sinambit ni inay ang aking pangalan,

"Claire, Anak dalawang taon na anak na di kita nayakap miss na kita sobra. Alam ko na alam mo yan. Happy 21st Birthday nak, gusto ko lang sabihin"SALAMAT rin kasi d ka napagod na intindihin kami, buhayin at tustusan ang aming mga pangangailan. Salamat kasi kahit di ka namin napag-aral ng kolehiyo mas pinili mong mag give-way muna. Salamat dahil tinulungan mo kaming makawala mula sa ating mga utang at salamat dahil minsan ng naranasan ng mga kapatid mo ang mga bagay na di namin kayang ibigay . Anak kapag pagod kana pahinga ka muna o di kaya umuwi ka kay nanay ha huwag mong pilitin ang sarili mo kapag pagod ka na. Salamat at ikaw ang binigay sa amin ng Diyos ang isang anak na puno ng pagmamahal para sa magulang at kapatid. Ingat ka lagi anak miss na kita at mahal na mahal kita. " Umiiyak si inay habang sinambit niya ang mga mensaheng iyon

Maging ako man ay tahimik na umiiyak habang nakikinig sa kanilang mga mensahe. Laking pasalamat ko na rin kasi kahit papano na appreciate nila ang pagod at hirap ko.

Ansarap sa pakiramdam marinig ang salitang "SALAMAT" mula mismo sa iyong mga magulang .Iba ang saya kapag ang magulang ang magpapasalamat sa iyo. At para sa magulang diyan malaking achievement na para sa isang anak kapag narinig ang salitang "SALAMAT ANAK" dahil para sa amin nakikita nyo ang bunga ng aming pagod at hirap .

At para sa mga anak diyan . Ingatan at pahalagahan ninyo ang inyong mga magulang.

At natapos rin. Ma pa malayoman tayo

sa isa't isa tandaan nyo mahal na 
mahal ko po kayo

1
$ 1.05
$ 1.02 from @TheRandomRewarder
$ 0.03 from @Sensaii
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
2 years ago
Topics: Life, Writing, Story, Freewrite, Personal, ...

Comments

Naiyak po ako dito, ramdam ko ang emosyon ng magulang mo at sayo. naapreciate ka po nila at mahal na mahal. Ang swerte mo po sa magulang mo. Sakin kasi lasinggo yung tatay ko tapos wala narin mama ko. Kaya kahit may magulang akk parang wala parin kasi walang pakialam yung tatay ko sakin.

$ 0.00
2 years ago

Manalangin ka lang po sa Taas alam kong lagi ka niyang bantayan..

$ 0.00
2 years ago

Thankyou po.

$ 0.00
2 years ago