read.cash Log in
@Claire.24 more from that month

Our baby Snowy is back. Almost 2 months ko rin siyang di nakita dahil sa sobrang busy namin. Bahay-office kain-,tulog lang Kasi kami kaya napag-isipan naming doon muna Siya sa bahay ng mama ni boss (Madam Tess) tiyak doon maalagaan siya ng mga workers niya tutal anim naman silang Yaya doon. Kampati kami na maalagaan siya roon may sweldo rin naman Ang nag-alaga sa kanya. Sa araw na ito kinuha namin doon si Snowy para isurprise sana kasi kaarawan na niya bukas pero pagdating namin doon ang Snowy mataba naging Snowy na payat at tila Hindi ito pinaliguan ng Isang buwan . Nakakaiyak tingnan na ang alaga mong pinahahalagan mo ay pinabayaan lang. Sina madam at boss rin ay naiyak nang makita nila Ang itsura ni Snowy "worst decision talaga ang ipagkatiwala kita rito baby" sabi nito Kay snowy. Sa sobrang galak niya nang makita niya ako agad siyang kumawala sa cage niya para lumapit sa akin at ito mga nagkagalos ako dahil Ang TaaS na ng mga kuko nito para nga Ermitanya nakakatakot. Pagdating namin Dito agad ko siyang pinaliguan Naawa lang talaga Ako sa baby namin. #RandomThoughts #Snowy

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.