Join 82,381 users already on read.cash

Happy Birthday in Heaven Donnie and happy 13th anniversary to us being bestfriend

3 15
Avatar for Claire.24
Written by   45
2 months ago
An open letter to my bestfriend.  
Who are in heaven already 

Mahal kong Donnie

Kamusta ka na ba ? Masaya ka na ba sa piling Niya(God)? It's been a year and two(2) months Donnie since you left us. Alam kong 'di mo ginusto ang ewan kami nang di nagpapaalam. Alam mo Ang dami ko sanang ikwento sa'yo ngayon pero dahil nasa TaaS kana wala na akong mapagkwentuhan ng mga naramdaman ko ngayon. Ang daya mo kasi iniwan mo ako pero okay lang tanggap ko na naman na lahat tayo ay kukunin din sa tamang panahon.

Donnie, dude, best, partner atbpa dami kasi nating tawagan nalilito na tuloy ako. Happy 22nd Birthday here on Earth and happy 1st Birthday there in heaven and happy anniversary to our FRIENDSHIP. Hindi ko alam kung saan Ako magsimula pero ito lang masasabi ko Donnie Salamat sa 9 years na lagi lang nandyan para sa akin. Alam kong andami nating pinagdadaanan noon. Sa tingin ko halos dalawang (2) mo Rin akong di pinansin alam mo ang SAKIT noon malapit na kasi Tayo magtapos ng Grade 10 noon tapos di mo pa Ako pinansin dahil lang sa jowa mo noon but Anyways okay lang yon. Last November 10,2019 tatlong araw bago ang 11th anniversary natin alam mo bang ansaya ko noon kasi Ikaw mismo Ang tumawag sa akin at nag sorry (mapride nga pala Ako noh ) and I will remember na sinabi mong Ang arte ko at sinabi mo sa akin na Sinagot ka na ni (sorry I don't say bad words. HIH lang Ang peg). Yun lang Thank you 😊. HAPPY Birthday my best Man, Ang paborito kong kulitin, ang napakahumble na friend ko it hurts when I remember the memories we had . I even deleted all your pictures to my phone so that I can accept that you're gone forever pero I know you're in a safest place now. Last year 2020 was the worst year of mine because the person who love me as a sister was gone at Ikaw yon puno ako ng pagsisisi kasi sabi ni tita na ang last words na iniwan mo is "MY NAME" which I feel guilty kasi kahit ni isang beses di kita nakita su huling araw mo Dito sa Mundo hindi man lang ako nakapagpaalam sa'yo.

MGA PANGARAP AY MATUTUPAD PA KAYA?

DONNIE andaming nating gustong puntahan noon . Alam kong di na natin matupad iyon dahil wala kana pero huwag kang mag-alala tutuparin ko iyon kahit na wala. Pupuntahan ko Ang Bohol, magpapicture Bulkang Mayon, Pupunta sa Japan at Ang Isa sa bucket list natin ang pupunta sa Jeju Island tutuparin ko ito kahit Wala ka na. At Ang pangarap natin na magkaroon tayo ng sariling negosyo na nakapangalan sa atin tutuparin ko iyon di man sa ngayon pero hayaan mong iisa-isahin ko Ang lahat ng yan. Paano ko nga ba kita makalimutan kong Ang lahat ng ating ala-ala ay laging bumalik sa akin na sa hanggang ngayon sising sisi pa rin ako dahil iniwan kita na noon na di nagpaalam napakasama kong kaibigan sa'yo pero hindi ka pa Rin nawala sa tabi ko na kahit wala na Ako diyan sa akin di ka parin nawalan ng Oras para kamustahin at kukulitin ako di nawala sa akin Donnie ang pagsisisi na kong sana andiyan Ako sa mga Oras na iyon di kana sana uuwi noon na lasing at sana andito ka pa Rin di ka sana na disgrasya.

  • November 12,2021 Bago sumapit ang hating gabi sumulat Ako ng liham para sa'yo alam kong di mo iyon mabasa pero ang laman noon ay Isang sulat na simula sa araw na ito tatangapin ko na wala ka. Pinalipad ko iyon gamit Ang lobo. Paalam ng tuluyan mahal kong kaibigan.

Para sa'yo tutuparin at ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral dahil nangako akong maging isang CPA ako balang araw. Ikaw ang maging inspirasyon ko sa laban ko g ito. Muli happy birthday dude and happy anniversary sa to us . Gabayan mo sana Ako.

Author's Note;

Kung Ikaw ay may matalik na kaibigan pahalagahan mo nawa ito sapagkat darating Ang araw na pagsisisihan niyo kung bakit di niyo pinahalagahan Siya sa mga araw na andito pa Siya. Mahalin ninyo sila gaya nang pagmahal niyo sa syota/nobya niyo.

Thank You for the memories sa lahat ng tampuhan, kulitan at higit sa lahat sa mga masasayang araw na kasama ka . Ikaw Ang taong di ako iniwan sa panahong walang nagtiwala sa akin. Lalaban Ako sa buhay para tuparin ang mga pangarap nating dalawa.

4
$ 0.66
$ 0.61 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Adrielle1214
Sponsors of Claire.24
empty
empty
Avatar for Claire.24
Written by   45
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Katouch naman sis, i know for sure happy na sya sa place nya ngaun while watching you overthere

$ 0.00
2 months ago

Ang bait naman hehhee at talagang naalala mo pa siya kahit nasa heaven na buti ka pa nga alam mo kung asan ang kaibigan mo ako kasi bgla nalang nawala na parang bula wala akong ideya kung buhay pa ba o patay na hahahha

$ 0.00
2 months ago

Finally, to emphasize again that the Marathon is conditioned by both physical and psychological qualities, since being such a prolonged physical effort, it requires a lot of mental toughness. That is why when facing it, we must also work and train the mental part in order to handle the feelings of tiredness and fatigue that are linked to the test.

It is essential to try to give the same importance to the physical section as to the psychological one if we want to obtain a good performance in the

$ 0.00
2 months ago