Buhay Yaya;(Aking Karanasan)
"Madali lang naman maging Yaya. Hay ! Iyan ata Ang pinakamamagaan na trabaho sa buong mundo ang maging Yaya. Ayan! Di Kasi nag-aral yaya tuloy ang bagsak. Napakasayang na bata matalino sana pero hanggang pagyaya lang ang inabot kung anak ko yan hindi ko talaga papasukin bilang Yaya o kasambahay anak ko lalo pa't nakakolehiyo pa".
Ito lang naman lagi kong narinig nung ako'y umuwi sa amin ang pagbaba nang aking pagkatao dahil Isa lamang akong hamak na yaya. May mga tao talaga hilig mupuna at manghusga pero 'di naman pala nila kaya kapag ito'y mangyari sa kanila. Ika nga nila napakadali raw magiging Yaya o kasambahay. Talaga bang madali lang ang pagiging yaya lalo pa at tatlong (3) ang aking inaalagaan 9,5 at dalawang taong gulang, may mga aso,pusa at daga pa akong inaalagaan rin. Kung Ikaw nasa posisyon ko madali kaya? Halika't ibahagi ko sa iyo ang aking karanasan bilang isang yaya.
Gumising Ng Maaga
Lahat naman talaga gigising ng maaga para maghanda ng pagkain para sa kanilang mga mahal sa buhay sa akin naman para sa mga alaga ko. 5:00-5:30 A.M gigising na ako niyan para magsimulang maglinis sa garage at magwashing sa kotse ni boss. 5:31 A.M ay pagsasaing na ako ng rive sa rice cooker at magsimula na rin akong magluto ng food para sa mga amo at alaga ko depene sa request nila sa gabi. Pagkatapos long magluto doon naman ako cage ni "BRIEN" ang bagong alaga nang aking amo para linisin ang kanyang pinagdudumihan , pag matapos na ako sa kanya paparoon na naman ako kina "Bailey at Frosty " (hamster) para linisin at bigyan sila ng carrots para breakfast nila at Ang huli kong puntahan ay ang cage nang aking pinakamamahal na alagang apakasungit si"Snowy"at pagkatapos ko siyang linisan magwalking rin kami saglit mga 15-20 minutes at hahayaan ko na syang maglaro sa Playground namin. Pagsapit nang alas 6:45 aakyat muli sa kwarto 2nd floor para gisingin ang dalawa kong alaga para paliguan at bihisan para kakain at papasok na sa school. Pagkatapos niyan ay didiskarte na rin Ako para uminom ng kape habang kumakain sila ihahanda ko na rin iPad, cellphone at Laptop para iready na Ang kani-kanilang link sa school.
Late Breakfast
Laging huli sa pagkain dahil inuuna pa ang tungkulin para sa mga alaga. 9:00 minsan 10:00A.M makakain siguraduhin lang na mauna ang mga amo kumain.
Trabaho Habang Natutulog Ang Alaga
Tuwing tulog ang dalawang taong gulang na aking inaalagaan ay didiskarte ulit ako sa paglaba (Buti nalang ngayon may washing na ulit), paghugas ng kanyang milk bottle at mag mop sa floor. Magluto na rin ng food for lunch o di kaya magtupi nang mga nilabhan kung minsan di pa matapos dahil gumising na.
Yaya minsan naman Chefs
Pumasok ako bilang yaya, usapan Bata lang at maglaba sa damit nila pero di nagtagal nagtaas Yung ranggo ko naging chef na ako. Irerequest sa'yo gusto nilang food at ang mas malala pa Ikaw na mismo mag research sa menu sa "YouTube". Kaya mapaisip ka nalang minsan na " Ano ba ako rito Yaya o All around maid?".
Schedule sa Gabi Bago Kumain at Matulog
Laging huli sa pagkain mula umaga hanggang Gabi. Bago kumain kailangan ko munang paliguan ang mga bata at bihisan ng pampatulog. Ihanda mga milk bottle at maging ang kanilang kwarto para pagkatapos kumain ng mommy at daddy nila ay may time pa silang mag movie marathon habang nanonood sila iaayos ko naman ang higaan nang ate at kuya para pagkatapos nilang manood ay hihiga na lamang sila. Papainumin ng mga vitamins. Kung matapos ko Ang sa TaaS may mga pusa, daga at aso namang naka-abang sa akin/Amin sa baba. Papakainin ko muna ang lahat ng alaga nila para ako'y makakain naman. Pagkatapos kumain ay maghugas na rin ng mga Plato at iaarange sa tamang lagayan, magmop sa sala at mag-off sa pintuan, ilaw at kung ano pa. Kapag natapos mo yan pwede kanang matulog o maghalf bath.
Ngayon madali ba? Di madali sapagkat nakakasalalay Dito ang iyong buhay kung ano man ang mangyari sa bata tiyak largo de konsensya mo yan dahil Ikaw Ang nag-alaga.
Author's Note
Bago mo husgahan ang trabaho ng mga kasambahay/Yaya subukan mo munang trabahuin upang malaman mo kung gaano kahirap ang kanilang dinanas para kumita lang ng kakarampot na halaga. Di dahilan ang pagiging yaya para husgahan mo sila tandaan mo marangal Ang kanilang trabaho. Kaya Bago ka manghusga subukan mo muna.
Bago pala ito matapos gusto kulang magpasalamat sa aking mga mabuting mga sponsor dahil sa pagtiwala sa akin. Huwag niyo ring kalimutang icheck Ang kanilang mga account.
Thank you at see you muli sa aking susunod na artikulo. Salamat
Salamat sis @MrsPe sa pagspon-
sor ulit sis more BCH pa sana du-
mating sa'yo.
Grabe naman ung ganung salits, below the belt na, pero yaan mo na sila sis, wla naman silang magandang maidudulot sayo eh