Noisemates grabe naman po yung panaginip ko, nasa open area daw kami ng Papa at bunso kong kapatid kasi nagpi-pintura kami ng stage, basta parang ganun yung set up. Kami ng Papa ko nasa baba kami ng stage nagpi-pintura, yung sister ko nmn sa taas ng stage sya nagpaint tapos may isa pa kaming kasama na nagpaint din sa baba kasama namin, girl yun medyo nasa 40's na sya. Ito na nga, medyo madilim na daw tapos kmi nagpi-pintura pa din. May dumating na naka-kotse at nakamotor sa place namin na nagkakarera ng paikot-ikot sa harap ng stage na pinagpipinturahan namin, siguro mga 3-4 minutes sila nagkarerang dalawa ng paulit-ulit tapos nung naunahan ng nakamotor yung naka-kotse, tumigil sila bigla. Tapos ito na nakakaloka, bumaba yung nakamotor tapos yung nagda-drive ng kotse sabay bunot ba naman ng itak nung dalawa sa tagiliran nila. Ako naman kinabahan sabi ko sa Papa ko "Pa, takboooo!" At first di pa tumakbo yung Papa ko kaya binalikan ko sya at hinawakan yung kamay nya para tumakbo. Tapos ito na, hinabol nga kmi ng driver ng nakamotor.. edi ako habang tumatakbo sinabihan ko kapatid ko ng pasigaw "Nethhh takbo may nananaga" ganun yung sigaw ko daw sa kapatid ko kasi nasa taas sya ng stage diba. Kami ng Papa ko naman magkahawak ng kamay na tumatakbo palayo sa killer. Luckily may itak din Papa ko sa tagiliran nya that time kaya sabi ko sa Papa ko habang tumatakbo kami, "Pa bunutin mo na din yang itak mo tapos pag medyo malapit na yung mananaga satin, tagain mo Pa sa likod ah. Sabi ng Papa ko, " o sige". Yun nga malapit na kaming maabutan ng killer tapos yun, nung malapit na sya humiwalay ung Papa ko sakin tapos tinaga nya din ung killer na humahabol samin. Opo nataga ng Papa ko sa likod yung killer na humahabol samin, tapos parang nanlaban pa nga eh kaya ako kinuha ko ung itak nya na nahulog sabay saksak din sa killer. Edi, one down na sa panaginip ko.. kaya bigla akong nagising. Natakot n kasi ako ng sobra e kaya gumising na ko. Yung kapatid ko di ko alam kung anong nangyare sa kanya sa panaginip ko kasi di namin sya nabalikan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet