read.cash Log in
@Chuckz

Maling Akala

Naniniwala ba kayo sa aswang? Nakakita na ba kayo ng aswang. Ayon sa mga libro, ang aswang ay isa sa mga Philippine Folklore. Ito ay kadalasan kinukwento ng mga nakatatanda sa mga bata upang matakot sila sa gabi para hindi na ito mag silabasan pa. May mga pagkakataon na nagkakaroon ng hakahaka na mayroon daw aswang sa barangay. Ang pangyayaring ito ay totoong naganap sa aming barangay. Pinaghihinalaan ng karamihan sa mga nakatira dito na ang isang matanda na nakatira sa isang kubo na nakatayo mag isa malayo sa mga kapit bahay. Sabi pa nila na may nakakita daw nito na bigla nlng naglaho o di kaya bigla nlng susulpot sa enyung likuran. Maraming sabi2x ngunit wala pa rin nmn patunay na totoo nga na siya ay aswang. Hindi ito napatunayan hanggang sa namatay na ito. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kwento. Ayon sa mga nakakatanda, mamatay lang ang aswang kapag naipasa na ito sa isang tao lalo na sa mga kadugo nito. Kaya naman umikot nanaman ang mga estorya sa barangay na ang asawa nito babae ang tumanggap ng binhi ng aswang kaya naman kinatatakutan ng mga kabataan ang matanda sa tuwing nakikita nila ito. Bagamat wala maibibigay na ebidensya ang mga tao sa barangay ay minabuti nlng na pagpayuhan ang mga kabataan na wag lumapit o lumabas sa tuwing sasapit ang gabi. Sa lahat ng mga estorya ng taong barangay, totoo mn o hindi, mas nakakabuting mag ingat sa lahat ng oras at panahon sa kahit na sinong tao sa paligid. Maaring ito ay kapatid, kamag-anak, kapitbahay o kaibigan dahil may mas matindi pa tayong kalaban higit pa sa isang aswang na hindi naman napapatunayan magpahanggang sa ngayon. Meron ngang kasabihan ang mga matatanda, ang aswang hindi nang aaswang ng kamag-anak o kapit bahay pero ang magnanakaw ang walng pinipiling biktima.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.