read.cash Log in
@Chuch

I had an experience with my son this morning . Nagtampo kasi sya sa akin. Dahil pinigilan ko syang pakialaman ang handle ng poso baka maipit. Gusto nya sya ang mag-igib kaso hindi pa nya kaya kasi mabigat din. Yun ang simula ng kanyang tampo, hanggang naligo na sya at ayaw na naman nya tumigil sa kakaligo pero kelangan kasi giniginaw na sya yun 2nd round ng iyak nya. 3rd naman ayaw nya magpadiaper, pero need talaga kasi sa bed na kami diretso baka basa higaan namin pagnaihi sya don. Dahil naipon na ang kanyang tampo, tinatalikuran na nya ako at umiiyak sya na sobrang nakakaheartbreak, humahagolhol talaga sya. Kaya nag-explain ako sa kanya kung bakit ko sya pinipigilan, nagsorry din ako sakanya pero imbes na tumigil sa pag-iyak parang napaiyak ko pa sya lalo. First time nyang nagtampo ng ganito pati pagdede nya tinitigil kasi iiyak pa sya hanggang nakatulog na sya sa kakaiyak. Masakit sa puso na nakikita mong umiiyak ang anak mo at ikaw ang dahilan ng pag-iyak nya. Pero kailangan ko maging strict sa mga bagay na dapat kasi need nya ang guidance ko. Hindi pwedeng ibigay sa kanya lahat para lang hindi sya umiyak, kailangan nyang matuto habang bata pa na hindi lahat ng gusto nya ay makukuha nya. Kelangan nya ng discipline habang lumalaki sya. Magandang gabi sa lahat.

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.