read.cash Log in
@Chorine08 more from that month

Ang saklap naman talaga ng nangyari sa kin... Kaninang umaga may good news sa kin, pagdating ngayong hapon, na-scam pa yata ako. Yung iniipon ko para sa bday ng anak ko, yun pa yung na-scam. Nagkautang pa ko. 😭 Mag-ingat po kayo ah. Wag na po kayo gumaya sa kin. Sa kagustuhan kong madagdagan ang iniipon ko, pinakialaman ko pa. Ang mali ko, naubos na yung ipon ko, nanghiram pa ko para matapos ko sana yung task ko para makawithdraw na ko. Ang ending, may kasunod pa pala yung task ko. 😭😭😭 Kung di nila maibalik yung pera ko, wala na talaga ko magagawa. Di na ko uutang para lang matapos yun. Di man lang nakalagay sa task kung magkano ang kailangan mo para matapos mo yung task. Pano pala kung kailangan kong gumastos ng 10k para lang matapos yun? Inengganyo lang ako. Yung mga nauna kasing task ko, worth 200-300 lang. Sana talaga mabalik nila pera ko. 😭😭😭

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.