Isolation
Hi, ako po si Ching. Na isolate po ako sa bahay namin last 3 weeks. Hindi po dahil may symptoms ako ng Covid19 kundi nagka bulotong po ako. Na isolate po ako ng 15 days. Napakahirap pala ng pakiramdam na ganun. Wala ka man makausap, puro cellphone lang ang katabi, hindi mo magawa ang gusto mong gawin, nakakulong ka, at hindi mo sila pwedeng lapitan dahil baka mahawa din sila. Kahit na nakakapag internet ako, nakakalungkot pa din pala yung ganoong sitwasyon. Nakakalungkot na, parang mababaliw ka pa sa katahimikan na nararanasan mo. Minsan nga kapag natutulog ako bigla na lang akong nagigising kasi parang marinig akong bumulong sa tenga. Alam ko guni-guni ko lang yun kaya babalik na lang ako sa pagtulog. Minsan hindi ko gusto yung pagkain na binibigay sa akin pero hindi pwedeng ibalik kaya kailangan ubusin. Kahit masusuka na ako, sige lang kasi nakakahiya naman sa kanila. Nag-effort silang magluto tapos di ko lang kakainin. Sila din naglalaba ng mga damit ko. Naka-gwantes si Tita pag kumuha ng damit ko tapos bubuhusan niya ng mainit na tubig, sabon, at klorox ang damit ko para mamatay daw ang virus. Kada labas ko ng kwarto, dini-disinfect nila agad yung lahat ng nahahawakan ko. Nakaka-down lang na para kang virus kung i-trato pero wala ka naman magagawa kasi nga nakakahawa kaya todo ingat ang lahat. Daig ko pa ang may Covid19 kung ma isolate pero okay na rin para din naman sa kapakanan ng lahat.
2 comments
Sa panahon po kasi ngayon kaylangan nating mag ingat kahit sa mga dating simpleng sakit Lang minsa ang iba natatakot na.
Opo, nasa new normal na kasi tayo kaya normal na din ang overacting pero okay lang at least nagdodobleng ingat.