Ang ganda ng araw ngayon ah, ang ganda din ng araw ko ngayon. Kakagaling ko lang sa kapatid ko nagising ako ng 6am. Una nag jogging ako ng isang oras tapos dumeretso ako sa kapatid kong babae para mamasyal. Sabi nung kapatid ko "Saan ka galing ang aga mo naman pumunta dito tapos pawis na pawis ka pa" Sabi ko naman nag Jogging kasi ako wala na kasing excercize lagi na lang nasa loob ng bahay, baka matigok tayo nito agad '"pabiro kong sinabi". Then mga 3 hanggang 4 hours lang ako andun pinakain din ako ng almusal ng spaghetti tapos nakita ko tong halaman niya na katulad din sa halaman namin tinanong ko siya bakit ganito halaman nila namumulaklak sa amin hindi. Sabi niya "aba ewan ko sa inyo baka kulang sa pag mamahal" .. aba'y grabe ka naman ate haha kulang daw sa pagmamahal.
No comments yet