"PWD" Gusto ko lang ibahagi sa inyo itong si kuya na nagtitinda ng puto at kutsinta. Kaninang hapon kumuha ako ng baranggay ID ko sa baranggay hall namin. Mabilis lang naman ang process, timing naman itong si Kuya pagkalabas ko ng Hall nakita ko siya sa malayo tinawag ko para bumili sa kanya. Pero nakita ko si kuya tila ba parang nag slow motion sa paglalakad napaisip ako hind kaya nahihilo si kuya dahil mainit ang panahon? habang papalapit siya nag salita siya sabay sabing "may bibili po ba diyan" sagot ko naman yes kuya bibili po ako" malakas kong pagkasabi. At pagka baba ni kuya ng kanyang dala kinausap ko siya ng "Kuya mukang nahihilo po yata kayo" medyo natawa ng konti si kuya, then sabay sabi niyang "Ahh blurred po kasi yung mata ko kaya hinahanap ko po yung boses na bibili saken para mapuntahan ko" then sabay sabi niyang "PWD po ako ma'am". Pinakita niya sken yung ID na PWD nga talaga siya. Sinubukan kong kausapin muli si Kuya habang kumukuha ng kutsinta. Tinanong ko siya na hanggan saan lang umaabot ang paningin ni kuya? Ang sabi niya "Hanggang 2 meters lang po ma'am pag malayo na hindi ko na po makita".. Nakaka inspire si kuya sa gitna ng maraming pagsubok nakuha niyang mag hanap buhay kahit malabo ang kanyang mga mata. Sinabi ko sa kanya "kuya mag iingat po kayo lalo na sa pagtawid mabigat pa naman yung dala ni kuyang paninda. Sabi niya sken "Salamat po ma'am malakas naman po yung pandinig ko" thank you maam sa paalala God bless po.
No comments yet