Ang kaba sa dibdib ng isang Mangagalakal Sa dami ng ginusto dito sumubok Kahit pa maiwan mag isa sa sulok Simula' y 'di napigilan mapalunok Dito na mag sisimula ang pagsubok Madaming bulong, ba't iyan ang pinili Sa tuwing dadaan mata'y nakasuri Tila yata iba ang tingin sa amin Business man ang kinuha'y napapagod din Nangangambang mapagkumpara sa iba Sapagkat sariling pagod ang binuga Lahat naman ng kurso ay iba-iba Bakit kailangan pang ipagkumpara? Ang napili ay kursong mangangalakal Dahil ito ang gusto ng pusong bukal
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet