Philippine Carabao Center

0 19
Avatar for Cher
Written by
3 years ago

Nakatikim kana ba ng gatas ng kalabaw yung kakakuha palang mula sa kalabaw? Ahaha ito share ko experience ko. Una pag baba namin mula sa pag akyat ng musuan peek.

Dumiritso na agad kami sa philippine carabao center. Saktong sakto naman pagdating namin. Dumating rin yung mga gatas na mula pa mismo sa farm ng kalabaw.

Ang farm ng kalabaw nila ay nasa harap lang mismo ng tindahan kung saan isa itong stop over para sa mga tourist or kahit hindi basta gusto mo lang bumili ng gatas pweding pwede ka dito. Masarap talaga yung pure na gatas ng kalabaw. Pero kung sa mga baguhan palang iba talaga yung lasa.

Ahaha ako isang baso lang na pure na gatas tapos bumili kami yung may flavor na. Sa paligid naman nito maraming puno ng mangga kaya yung pinaka mabili na flavor ng gata nila ay carabaos milk mango flavor.

Masarap siya lalo na yung ice cream na gatas ahaha. Kaso umaga pa bumili nalang kami para baunin namin sa susunod namin na destination.

1
$ 0.00
Avatar for Cher
Written by
3 years ago

Comments