Pangungulila ng isang anak Nang sinabi nila, Tumulo ang luha sa aking mata. Pinigilan ang pag hikbi, Pinilit na walang makarinig. Nang malaman ko, Ramdam ang kirot sa puso. Bumagal ang oras sa pag takbo, Naiwan sa kinatatayuan ko. Alam kong malapit na ang panahon, Malapit na ang pag lisan Pero pinili kong lumayo Makita kang pumikit ay di kaya ng puso. Alam kong ako'y naduwag, Patawad ako'y humakbang paatras, Pa natakot ang iyong anak, Hindi man lang kita nayakap. Bawat sandali iniisip ka parin Nagtatanong kung wala ka na bang talaga sa piling Mahal kita at di lilimutin, Magkita tayo pag ang panaho'y dumating May isang hiling ang manunulat sa mambabasa, Habang nariyan pa'y mahalin ang inyong ama, Igalang pati ang inyong ina, Habang nariyan pa sila. Pa, kahit di na tumugma ang mga salita, Wag limuting mahal ka ng may akda ~Charlotte 7/20/21
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet