Sa pag silip ng araw sa gitna ng kabundukan,
Bibisita ba ang ulan?
Pamamaalam at pag-hihiwalay,
Maari bang bukas nalang?
Sa bawat taludtod ay dapat bang pag isipan?
Bawat salita, kaakibat ay mahabang pag tulala.
Mga saknong na mayaman sa kwento,
Maipahayag lang ang tula na nais ko.
Maari mong lisanin ang ating bukid,
Pangako lamang na ika’y babalik.
Sa panahon man ng anihan,
O panahon ng pag tatanim.
Huwag kang lumanghap,
Ng sobrang hangin sa syudad,
Hindi naman ito tulad ng hangin dito,
Hindi ko nais na ika’y pumayat at magkasakit.
Matagal ang pagdating ng telegrama,
Pero mas matagal ang panahon na wala ka,
Kaya’t huwag kang mapagod magpadala ng sulat,
Hintayin mo, magsusulat ako pabalik sayo.
Huwag kang lumapit sa gulo,
Ingatan ang gamit at pera na dala mo.
Kung sakaling maligaw,
Huwag mong kalimutan mag dasal.
Siyam na buwang inalagaan sa aking sinapupunan,
Dalawang dekadang minahal at inaruga, at nagpapatuloy pa.
Sa syudad ikaw lamang ay bisita,
Ang iyong tahanan ay dito parin sa piling ng iyong ina.
Sa pag silip ng araw sa gitna ng kabundukan,
Bibisita ba ang ulan?
Pamamaalam at pag-hihiwalay,
Ngayon ang unang araw.
~Charlotte
Galeeng! 👏. From a thoughtful and loving mother