Balik bayan ang unang lalaking bayani nang aking buhay.
Ito ay kwento nang aking ama. Ang aking ama ay isang napaka sipag napaka mabait at ulirang ama. Simula nung ako ay ipinanganak hindi siya tumigil sa kanyang pag tratrabaho. Hanggang ako ay nagsimulang mag aral na naisipan niyang mag ibang bansa para sa aming pag aaral nang aking isang kapatid. Bata pa lang ako nasa ibang bansa na siya hindi pa uso ang technolohiya noon kaya kailangan namin maghintay sa kanyang paguwi taon taon. Minsan lang namin siya makasama sa loob nang isang taon isang buwan lang. Mabilis lang ang isang buwan na kanyang bakasyon. Pagkatapos nang kanyang bakasyon mag iibang bansa na naman ulit siya magtratrabaho para kumita nang pera para pang gastos at pang aral namin ng aking kapatid. Nangungulila sa bawat araw na nagdaan na hindi niya nakakasama ang kanyang asawa at mga anak mabigay lang ang nararapat. Kung minsan ipangkakaen na lang niya ipapadala niya pa sa amin. Nung kami ay nakapagtapos na sa pag aaral sinama niya kami nang aking kapatid sa ibang bansa. Doon ko nakita na sa loob nang bente syeteng taon na di kami mag kasama doon ko nakita ang hirap at sakripisyo na ginawa nang aking ama. Minsan hindi na siya natutulog dahil magluluto pa siya paninda niya para ibenta sa mga katrabaho niya. Hindi ako perpektong anak masyado ako nagrebelde nagpakain sa mga masasamang kaibigan. Hindi ko naisip ang sakripisyo nang aking ama na naghihirap sa ibang bansa. Kaya ngayon na may edad na siya at pauwi na siya gusto ko bumawi sa lahat nang pagkukulang ko bilang anak. Mahal na mahal ko ang aking mahal siya ay dakila at ulirang ama. Nagpapasalamat ako sa itaas na binigyan niya ako nang responsableng ama. Maligayang Araw ng mga TATAY.
No comments yet